Sunday, June 29, 2008

itim...


Imulat ang iyong mga mata
Sandaling h'wag kumurap

Tingnan mo ang iyong kapaligiran
Ito ba ang iyong gusto?
Maingay

Magulo
Madumi
Sawa na ako
Dumi ng mundo'y pagmasdan
Ingay ng syodad ay pakinggan
Ayaw ko na Itigil na
Subrang init ng araw
Ang unti-unting sumusunog
Sa aking balat

Tama na Itigil na
Inang kalikasan ay iyong iligtas
Bago pa mahuli ang lahat

Buga ng usok na

Nagmula sa mga sasakyan,

Pabrika at iba pang bagay na
Nakakasama sa kapaligiran

Duming itinapon sa ilog

Ay inagos lumubog at naipon

Kaya ilog ay nagmistulang basurahan

Langit na bughaw

Ngayo'y kulay itim

Huni ng ibon ay naglaho
At tunog ng sasakyan ang nat
ira

tanong



Bakit ka nagtatanong?

Bakit ka nagrereklamo?
Akala ko ba mahal mo ako?
Bakit para kang nagsisisi?

Pinilit ba kita?

Ako ba ang unang nagmahal?
Bakit wala kang kibo?
Tatahimik ka na lang ba?

Hindi mo ba nakikita?
Hindi mo ba nararamdaman?
Bakit ano ba'ng akala mo?
Na panakip butas ka lang?

Akala mo ba awa lang 'to?
Akala mo ba hindi kita mahal?
Mahirap ba na intindihin?
Mahal na kita alam mo ba 'yon?

Nakikinig ka pa ba?

Nagdududa ka pa rin ba?
Tama na p'wede ba?

Ikaw lang alam mo ba?

insekto!!!



Mata mo'y imulat
At ika'y makiramdam
Tayo'y tumayo at makilahok
Makihalo sa gulo ng mundo
H'wag manahimik
At ika'y lumaban
Hindi ka sasantuhin ng
Lipunang ganid sa yaman

Mga halimaw na namumuno
Ang s'yang lalamon sa'yo

Buhay mong naghihikahos

Ay lalo pang makakapos
Mga taong naghihinagpis
Sa sakit at gutom nagtitiis
Tapakan ang halimaw na
Kasing laki ng bubwit
At kasing baho ng ipis
Karimarimarim na nilalang
Ang sa ating bansa ay nagpapatakbo
Ngunit sa halip na pasulong
Ito ay paatras
Patungo sa putikan
Na lalamon sa atin ng buo...

Doña!


Ang damit n'ya'y punit-punit at tagpi-tagpi
At ang suot nyang sapatos ay luma't saliwa
Kung pagmamasdan'y mukha s'yang aping-api
At ang tangi mong madarama ay awa

Subalit ako'y napaisip at nagtaka
Nasaan ang kanyang pamilya at kaanak?
Minsa'y nikikita ko s'yang umiiyak
Ngunit madalas ay naninigaw at nang hahamak

At kung s'ya'y kumilos tila ba isa s'yang doña

At ang kanyang tinig at postura'y tila isang siñora
At ang kanyang tinig ay kababakasan mo ng bagsik
Na para bang sa isang among nagbibigay ng utos

Nauwi ako sa isang hakahaka
Kurokurong maaaring totoo
Na ang matandang pulubi
Ay maaaring dating doña pala

Saturday, June 28, 2008

Tse!!! panakip butas ka lang!!!



I'm standing in front of you
Begging for forgiveness
Asking for second chance
And let me show you
How much I regret
The things that I've done

I know you've been hurt
When I leave you
And choose my dreams over you
But please give me a second chance
And I will make it right

Are you listening?

Please pay attention
Don't close the door of your heart
And let me get in

But it's too late

A year passed by
A pregnant girl is coming your way
And calling you her honey

That was my endearment name for you

But now she is using it
She owns you now
Fulfill the empty space that I've left

Turning your back means goodbye

Looking at you holding her hands
Only means that I should let you go
And forget about our past

It's sad 'coz I've tried my best

To have you back but
I've failed

You're not mine anymore
And I know it's for real


Goodbye!!!!

Friday, March 14, 2008



PAIT NG PIITAN


Ako ay dumadaing at nagnanais

Na sana ay makayanan at matiis

Ang hagupit ng batas sa bilangguan

Na kasalukuyang kinasasadlakan


Labag man sa loob ay aking tinahak

Buhay pagnanakaw ay aking pinasok

Kaya’t gabi’y hinintay upang sumabak

At gawi ng manguumit ay sinubok

Ang kahirapan ng buhay ang nagtulak

Upang pagnanakaw ay aking pasukin

At kasalanan ang sinundan kong apak

Kaya ngayo’y narito at nadidiin

Ang nadaramang pagsisisi at galit

Ang sa aking puso ay naggugumiit

Sa tuwing aking makikita ang luha

Sa mga mata ng pamilya kong dukha


Wednesday, March 12, 2008

Drawing


Nakaupo sa sulok at naghihinagpis
At ang tanging kasama ay papel at lapis

Kasabay ng bawat linyang iginuguhit
Ay ang luhang puno ng poot at pasakit


Wala sa kamalayan habang gumuguhit

Patak ng luha ang nagpabalik ng diwa
Bitiwan ang lapis at limutin ang sakit
Luha ay punasan at ibalik ang tuwa


Puso'y h'wag hayaang balutin ng pighati

Labanan ang lumbay at huwag pagagapi

Galit na nagmula sa dibdib ay iwaksi
At hayaang maagos sa bukal ng luha

Huwag pakulong sa malungkot na nakaraan

Putulin ang pising nagdurugsong sa kahapon

At isipin ang haharaping kinabukasan
Kaya dapat na maging matatag at palaban