Wednesday, March 12, 2008

Drawing


Nakaupo sa sulok at naghihinagpis
At ang tanging kasama ay papel at lapis

Kasabay ng bawat linyang iginuguhit
Ay ang luhang puno ng poot at pasakit


Wala sa kamalayan habang gumuguhit

Patak ng luha ang nagpabalik ng diwa
Bitiwan ang lapis at limutin ang sakit
Luha ay punasan at ibalik ang tuwa


Puso'y h'wag hayaang balutin ng pighati

Labanan ang lumbay at huwag pagagapi

Galit na nagmula sa dibdib ay iwaksi
At hayaang maagos sa bukal ng luha

Huwag pakulong sa malungkot na nakaraan

Putulin ang pising nagdurugsong sa kahapon

At isipin ang haharaping kinabukasan
Kaya dapat na maging matatag at palaban