Friday, July 31, 2009

Hindi Ko Pa Alam


Haha- ang pagbabalik ng mga daliri kong makulit!


Hindi ko alam kung bakit ang mga daliri ko ay tumitipa dito ngayon.
Dapat ay nasa school ako at nagpapanggap na istudyante pero anong
ginagawa ko dito sa bahay at nakatunganga na naman sa harap ng monitor ng pc...
Alam ko ang sagot...

Kasi hindi ako nakaligo ng maaga, e ayon nawalan ng tubig dito sa building kasi nililinis 'yong tangke. Tapos, tinamad na rin naman ako, para bang mas gusto kung tumunganga at magmini-muni sa kawalan. Tama ba 'yon, ang lumiban sa klase para sa walang kwentang gawain? Tsk, ilan sa mga kabataan ngayon ang mas gustong tumambay kesa sa mag-aral? Madami rin, pero sabi nga sa aklat na nabasa ko kagabi lang,
"Dalwang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pag-titiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit."
Oo, kay Bob Ong na aklat 'yon, 'yong Macarthur, regalo sakin ng kaibigan at kaklase ko para sa kaarawan ko.

Tama nga, sino ba mga nag-hihirap ngayon? Mga taong hindi nakapag-aral, kanina na lang habang nakasilip ako sa bintana at hindi ko namamalayan na nagtatanggal na pala ako ng tinga, nakita ko sa banda roon ng lugar namin ang mga "iskwater", sa ilalim ng flyover kungsaan makikita mo ang mga nakatambay na pedicab driver at mga tambay lang talaga, iisipin mo, nakapag-aral kaya sila? Minsan nakikita ko na lang silang tulog sa kainitan ng tanghali sa lumang sofa na nakapwesto sa ilalim ng tulay, ano 'yon puyat o idinadaan na lang sa tulog ang pagkalam ng tiyan?

Madami na rin naman na mahihirap ang nakapag-aaral dahil sa pag-sisikap,e. Naalala ko tuloy, habang nasa jeep ako, nakaupo sa katabi ng driver, dalwa kami sa upuan, ang isa ay ang kasama ng driver, madaldal sila manong tinanong kung saan ako nag-aaral, sumagot naman ako, nag kwento si manong driver sabi n'ya kung saan sya nag-aral, kala ko college ang ikinikwento n'ya pero high school days pala nya 'yon, hindi na daw s'ya nakapag-college kasi tinamad na daw s'ya,(tsk, tama nga si mang Justo, magtiyaga ka na lang ng dalwang dekada kesa limang dekada ang paghihirapan mo...) hindi sa kung ano pa man, pero kung nakatapos ba si manong ng college, nag-dadrive kaya s'ya ngayon ng jeep? Baka limang jeep ang pag-aari n'ya ngayon.
Muli pa'y nagsalita ang kasama ni manong driver,
"E, ano naman ang kors mo?"

Sumagot ako, sabi ko "IT po."

Sa pag-aakala kong alam n'ya ang sinabi ko, tumatango lang ako, sa mga iba pa n'yang tanong nang biglang...

"Ay, di magaling kang bumasa ng isip at kilos ng mga tao?"

Ngek!!!! ang akala ko pa naman naintindihan ako ni manong sa kors ko. Syempre hindi ako nagpahalata ng pagkadismaya, ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ba ang IT, at s'ya pa ang tumawa ng sabihin n'yang mali pala s'ya, sinabi ko na kay manong na "para" at natuwa naman ako kasi ngumiti sila at sabi "salamat" s'yempre ngumiti rin ako para ipahiwatig na walang ano man.


Sa paglalakad ko papasok ng pamantasan hindi maalis sa isip ko ang mga bagay bagay, bakit hindi pa nat'yaga nila manong ang pag-aaral noon,e kung iisipin napakadaling mag-aral noon dahil napakamura pa ng edukasyon, 200 pesos makakapag-aral kana sa pribadong paaralan, samantalang ngayon, 200 pesos kulang pang baon ng istudyante.

Nakapasok na ako sa gate ng pamantasan, ang laki rin ng binabayad ng magulang at kapatid ko sa paaralang iyon pero 2 o hanggang 3 oras lang ang itinatagal ko doon, pag-katapos ng klase uwi na ako, ganoon parati ang gawi ko, maganda naman ang kanilang pag-tuturo, kaya lang minsan aircon na nga lang ang sinusulit ko minsan hindi pa gumagana. Haha- pasaway talaga.

Pag-katapos ng klase kadalasan tinatamad na akong maglakad kasi laging maulan, pero dahil malapit lang ang bahay namin laging nag-susumiik ang kakuriputan ko sa katawan, s'yempre magbabayad ako ng 6 pesos kaya medyo patatagalin ko muna ang aking byahe, sa recto gate ako lumalabas at sumasakay ng jeep, dahil hapon na at talagang uwian na ng mga istudyante kay inaabot ako ng trapik, pero minsan gusto ko na rin 'yon para nakakapag-muni-muni ako, haha- minsan kasi ang sarap pagmasdan ng mga tao na naglalakad tapos gagawa ako ng kwento base sa hitsura nila tulad na lang...

Nakasakay ako sa jeep, nakaupo sa paborito kung pwesto ang katabi ng driver, nakatingin sa labas ng jeep, ang daming tao, ang daming istudyante, may grupo ng mga foreigners, mga persian na istudyante, s'yempre pa alam naman natin na hindi kaaya-aya para sa ating mga pinoy ang amoy nila, may mga batang marurungis ang naglalaro sa tabi nila pero hindi nila ito alintana, pero sa isang banda, may grupo ng istudyante mga pilipino, mga mukhang laking aircon base na rin sa uniform at mga itsura nila, hindi man kagandahan pero alam mong may dating na mayaman, nag-tatawana silang lumabas sa convenience store sabay turo sa mga batang nag-lalaro, hindi ako natuwa sa nakita ko, parang pinagtatawanan nila ang mga bata,(mga tropa ko kaya 'yon.) nanag hindi sinasadya na mapatulak ang isang bata sa gawi ng mga mayayamang pinoy na istudyante, ano pa ang inaasahan, parang diring-diri ang isang babae na biglang sumigaw at nagtatalon,(puti nga naman ang uniform baka madumihan, pero isipin ko man at isipin parin, nurse ang course ng mga istudyante, nurse na dapat handang madumihan ang mga puting damit para makapag-alaga ng mga may karamdaman, hindi man sa kung ano pero hindi lahat ng gagamutin at aalagaan ng mga nurse ay mayayaman,pano pag napadistino sila sa mahihirap na lugar? magtatatalon din sila sa pandidiri sa kapwa nila tao? tsk...)

Minsan, lagi pala naaasar ako sa mga driver ng jeep na pinipilit abutan ng stop light para makakuha ng mga pasahero, ang tagal tuloy ng byahe at ang dami ko tuloy napapagmasdan. tulad na lang...

May mga naka puting uniform akong istudyanteng nakita, nakatayo sa harap ng convenience store, maayos naman ang hitsura nila pero alam ko na may something behind them, sila ata 'yong mga tipong nagtatrabaho para makapag-aral, trabaho sa dilim, oo, maaaring mapang husga ako pero naisip ko lang, habang nagsasalita sila, walang ka-class class, habang ngumunguya sila ng chewing gum, at humihitit ng yosi, parang ang dating,e tipong, alam n'yo na, pok-pokin, madami rin akong nakikitang mga nagyoyosing babae, ang iba, parang wala lang kung titingnan ang iba naman astigin, madami rin akong nakikitang ngumunguya nga chewing gum, ako mismo pero tinigil ko na kasi sabi ng mga nakakakilala sakin hindi daw bagay sakin ang ngumunguya, naisingit ko lang, 'yon nga ang iba kyut ang iba seksi at ang iba talagang malaswa na ay masagwa pa, haha-

hindi ko rin maiwasan na pagmasdan ang mga mukha nila na napapalamutian ng makapal na make-up, ang dami ko rin nakikitang nagmimake-up pero iba ang dating ng make-up nila, hindi naman si la pangit, hindi lang sila kagandahan, ang nasa-isip ko, kung doon sila nag-aaral, malamang ang laki nangkinikita nila, kasi ang mahal ng tition ng nursing doon sa paaralang 'yon,e. Haha- may nakita naman akong mga simpleng istudyante lang, mga hindi mo pag-kakamalang mayaman pero kung titingnan mo sila mukhang matatalino naman, kaya malamang mga scholar 'yon.

Minsan pa ay umandar na ang jeep na sinasakyan ko, at nakita ko ang Mendiola, sa lugar na madaming nag-rarally, mga kabataan at mga mamamayan na sumisigaw ng pagbabago at katarungan. Nalala ko na naman, isang araw ng Linggo, isang araw bago mag-SONA, maulan noon at may lakad ako, papuntang divisoria, pinipilit ko ang kausap ko noon na ikansela na ang lakad namin sapagkat ayokong mag langoy sa burak ng divisoria, subalit mapilit ang kausap ko, hindi pa kasi n'ya nararanasan ang mag-swimming sa baha ng divisoria, gamit daw nya ang bibilhin namin kinabukasan para sa SONA, makiki-rally s'ya, pinipilit pa n'ya ako na sumama pero ano ang gagawin ko doon? makisigaw? Oo, gusto ko na umalis sa pwesto ang pangulo, pero kung sobrang kapal na ng mukha ng nakapwesto paano pa tatablan ng sigaw ko ang mukha nya? Parang silicone na nakalagay sa dibdib ng babae, nakahit lamasin mo daw,e hindi maramdaman, parang OA naman noon? pero ganoon nga ata ang pagmumukha noong taong sinigigawan nila. Marami parin ang may ayaw sa panunungkulan niya pero ano pa ang kayang gawin ng mga tao para mapaalis sya sa pwesto? Haha- tama na nga ang politiko, mas madumi pa sila kesa sa maduming burak ng divisoria, mga babaeng mababa ang lipad at mga pulibing nakakalat sa kamaynilaan.

Pero bakit parang kaamoy ko na ang mga tropa ko? Haha- amoy Jai Ho na ata ako.

Oxege, hanggang sa muli.

Teka, bakit walang title?

Hindi Ko Pa Talagang Alam...

Haha-


KUDAH

No comments: