Friday, March 27, 2009

MASAKIT PARIN SA PUSO (ouch)
i-witness "Ambulansiya de Paa"


Naaalala ko parin ang na panood ko sa i-witness tsk, doon ko naramdaman ang awang biglang humaplos sa mala bulak kong puso (haha- talaga namang... bakit di ko kayang magseryoso?)Ayon hinga muna ako ng malalim..

Ang pamagat ng napanood kong 'yon sa i-witness ay "Ambulansiya de Paa" pinapakita doon kung gaano kahirap pag nagkasakit ang mga residente sa lugar na iyon, sa Bansud, Oriental Mindoro. Nakilala ni Kara David doon si Lowen Tayo isang lalake na may karamdaman, kung susuriin napaka simpleng sakit lang na lumala dahil sa kakulangan sa kaalamn ang sakit ni Lowen ang tuberculosis, sa panahon ngayon hindi na matatawag na malubhang karamdaman nag TB, basta maagapan lang ng gamot, pero sa kalagayan ng Bansud, ang sakit ni Lowen na iyon ay malubha at nakakahawa, ibinukod na si Lowen ng tirahan dahil sa takot na mahawaan ng TB ang mga tao. (sinaunag sinauna talagang paniniwala, tsk...) Ako'y nakaramdam ng awa hindi lamang kay Lowen kundi maging sa lahat ng mga nakatira sa Bansud, ang karneng matatawag nila ay daga, pinapakain nila ng saging ang mga daga para may makain din silang karne (hanep!!! napapalumod pa ako habang pinapanood kong tinatadtad ang karne ng daga... yuck, sobra!!!) Pero masisisi ba natin sila sa pagkain ng mga kanoong klaseng pagkain, e napakalayo nila sa kabihasnan.

Ipagpapatuloy ko ang kwento, nang malaman ni Kara David ang kalagayan ni Lowen pinilit nya ang mga tao na i-pasuri si Lowen sa doctor subalit napaka layo ng ospital mula sa kinaruroonan nila, mga apat na oras daw ang lalakarin nila kung mabagal at kung suswertehin namang maaabutan ang track sa may ilog ay maaari silang makisakay papunta sa bayan. Sa napakaputik na daan tulong-tulong nilang inusung si Lowen sa pamamagitan ng pagsakay kay Lowen sa duyan, hindi biro ang maglakad sa maputik, madulas at mabundok na lugar lalo na at kung may usung-usung na talo, swerte naman at naabutan nila ang track kaya nakasakay sila papuntang bayan. Naabutan nila ang doktor at nabigyan si Lowen ng gamot, pero hindi pa doon natatapos ang gamutan ni Lowen muli pa syang babalik at ganoon parin ang sistema. (sana lang ay hindi mapagod ang mga taong tumulong sa kanya at matulungan pa sya sa pagpapagamot...)

Hindi pa natatapos ang kwento kay Lowen. Nakilala rin ni Kara David sina John Lloyd at Wendy (Hindi sila artista, haha- kapangalan lang, mga kapamilya ata tao don sa Bansud, nayahaha-)'Yon nga si John Lloyd ay may broncho-pneumonia at hernia, samantalang si Wendy, nalapnos ang balat matapos mabanlian ng kumukulong sabaw.
Si Wendy ay nabigayan na nang gamot subalit dahil nga sa layo ng bayan malapit ng maubos ang gamot nya ay hindi parin sya naibibili ng gamot, samantalang ang nakakalungkot nang sobra ay ang kalagayan ni John Lloyd, ang payat-payat ni John Lloyd buto't balat na ngang matatawag,isang taon na sya ngunit kung titingnan ay tila isang sanggol pa lamang, ang nakakalungkot pa, hindi pa pala nakakatikim nang gatas si John Lloyd, dahil namatay ang kanyang ina pagkapanganak sa kanya, ang nagsisilbing gatas nya ay am at ang tanging kinakain nya at ng pamilaya nya ay saging
minsan nga ay hindi pa masyadong hinog nag saging(tsk,tsk... nakakahabag di ba?)

Kinumbinsi ni Kara David ang mga magulang ng mga bata na dalahin sila sa ospital, pumayag ang mga magulang at muli silang naglakad, inabot pa nga sila ng ulan sa daan, napakaputik na ng daan kaya naman bumigay na ang sapatos ni Kara.(akalain mo yon, siguro kahit anong tibay at gara ng tatak ng sapatos hindi o-obra sa putikang daan 'yon. Ganun kahirap.) At habang naglalakad sila si John Lloyd ay nagtatae pa, iniisip nila na baka madehydrate ang bata at hindi na umabot pa sa ospital. At nang makarating sila sa ospital laking pagkadismaya nina Kara dahil wala pa ang nag-iisang Doktor sa bayan nila, may pinuntahan daw na seminar, dahil narin sa gusto nilang magamot na ang mga bata pumunta sila sa kabilang bayan at doon nga ay naasikaso sila, si Wendy ay nabigyan ng gamot, subalit si John Lloyd ay pinapaiwan para magamot ng mabuti, noong una pa nga ay ayaw pumayag ng ama ni John Lloyd sapagkat wala daw siyang dalang pera, pero ang sabi ng doktor pag umuwi sila maaaring mamatay si John Lloyd sa daan pa lang, kay sinabi na ni Kara na sagot na nila ang sa ospital magamot lang si John Lloyd, (humanga talaga ako sa kapuso dahil sa kanilang kabutihan ng puso, talagang kapuso sila, oo, puro puso. haha-)

At yon nga... Sana ay mag patuloy sa paggaling sina John Lloyd at Wendy.
At muli ako ay namulat sa aking mga nasaksihan...

Teka, isa pang banat.

Bakit ganoon, ilan na lang ba ang doktor sa Pilipinas? Mag dodoktor ka kasi gusto mong pumuntang ibang bansa, mag dodoktor ka kasi malaki ang sweldo, sa mga pang pribado mo pa mas gustong mag gamot, sa pampubliko dahil maraming benipisyo, pero bakit hindi ba nyo maisip na dati noong bata pa kayo na pag tinanong kayo kung ano ang gusto nyo pag laki nyo, diba ang isasagot mo, "Gusto kong maging doktor para makapanggamot ng mga may sakit." Pero bakit nasan kayong mga doktor kayo? Sana maisip nyo na ang daming na ngangailanagn sa inyo dito sa Pilipinas. Sariling sugat muna ang gamutin.



KUDAH

MASARAP ang BATA

Simpleng Bagay Ginagawang Komplikado
KABATAAN KASAMA KA BA DITO? LOLS


tama, tama may tama ang utak ko. tulad na lang nitong pag-popost ko pwede namang simpleng text lang gamitin ko, bakit kelangan ko pang gawing iba't ibang kulay? di ba parang aning lang,

Hayst, mga kabataan nga naman, bakit masgugustuhin nilang palaboy, mas gusto nilang magtrabaho, bakit gusto nilang madaliin ang bawat oras? di ba nila alam na mas masarap ang bata? i mean ang enjoyin ang pagkabata.


kung san san na naman lumiliko utak ko,, siguro kaya walang nag-babasa ng blog ko kasi walang kwenta, tama nga naman sila, haha- kelangan ko pang lagyan ng mga emoticons para magkadating, kaso parang OA na an dami ng bilog na kulay dilaw. yaan ko na lang.

Sige balik na ako sa kabataan 'yon nga ang daming kabataan ngayon na gustong madaliin ang lahat tulad na lang ng mga kakilala ko.

Sabi nila independent na daw sila kaya na nilang mabuhay sa sariling mga paa nila, nagrerebelde pa nga sila sa mga magulang nila,e. tigil sa pag-aaral, tambay, inum dyan inum don, tas yosi, barkada, ang aangas pa nga, pero mababait naman. siguro para sa kanila ang ganong gawain ang ibig sabihin ng "independent", pero pag nawalan sila ng pera san sila lumalapit? ang iba gumagawa ng paraan upang mag kapera, pero ang ilan sa magulang parin ang lapit, sinubukan ko na ring maging "independent" angas ko, may trabaho,e. pero naisip ko lang san ba ako humingi ng pamasahe, pangkain, pang kuha ng mga requirements? lahat ng yon galing sa mga magulang ko, naisip ko lang kasi non, nung bata pa ako na magrebelde-rebeldihan. ang bwakanangni, kagaguhan talaga ng mga isip bata, ngayon ko lang naisip kong gano kakitid ang utak ng mga 17 yrs old, na ang dami nga palang napapariwara sa ganyang edad. Kelangan talaga ng mga kabataang may edad 17 pataas o maging pababa ang gabay ng mga magulang, pag-unawa at suporta para hindi mapariwara ang mga anak. Ang dami kong alam, yeah!! haha-


Sa dako pa roon, e malayo na diba? hihiburr-
Sa isang banda,e talagang mahirap ang gawain ng mga magulang. Kaw ba namang naghirap ipanganak yang impaktong anak mo tapos magiging suwail pa, tulad na lang ng inyong abang lingkod, ibinigay na lahat gusto pang lahatin, haha- inalagaan mo ng bongga tapos pag lumaki duduraan ka pa. Tapos sa ano mang kapabayaan ng mga kabataan sa magulang pa ang sisi, aba aba aba, ika'y mag isip at ng iyong malaman, hindi lahat ng kakulangan ay ginusto ng iyong mga magulang.

Binigyan ka ng baon, P20.00, san ka pumunta? sa comp. shop at nagDOTA.

Binigyan ka ng pangtuition, tiwalang-tiwala ang ina mo na makakagraduate ka pero san mo ginagastos ang mga perang pangtuition mo? nagmomotmot ka, paemba-emba, kala mo sosyal, gala dyan, bora-bora, la na ngang datung, mga tipikal na sosyalera wala namang pera.


Magulang mo ba ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho?
ang sumbat mo sa kanila, hindi ka nila nagabayan masinuna nila ang mag-payaman, naisip mo ba na ginusto ba nilang iwan ka at lumaki kang hindi mo sila kasama? hindi nila ginusto yon, ang gusto nila mabigyan ka ng magandang buhay 'yong tipong laking aircon na matatawag. paemo-emo ka pang nalalaman na " mom, i love you, i hope you love me, too, always remember that money can't keep us together, its love." wasak napanood ko sa wowowee.

Isa ka bang urban poor? At feeling mo pagpomorma ka di mahahalata na urban poor ka? haha- madaming ganyan sa earth, pero ang lupit mo,tol. sasabihin mo sa magulang mo "tay, nay, di muna ako mag-aaral ngayong pasukan, trabaho muna ako para makaipon."
nagtrabaho ka, nakaipon pero ibinili mo ng mga luho mo para hindi ka mag-mukhang urban poor, mga gamit mo'y hindi sa cartimar nanggaling kundi sa sm, sale kasi nakamura ka pa, pero ang nanay at tatay mo'y gusto ka nang makitang nag-aaral pero dahil gaga ka, trabaho inuna mo, ma-endo ka man apply ulet, nakailang taon kanang nagtatrabaho, hanggang sa di mo na nalayan matanda kana at ang mga kasabayan mo sa pinagaaplyan mo ay mga bata na, nalaos ka, matanda kana kasi at ganon parin buhay mo, bigla mo naisip sana pala nag aral ka para nakasabay ka sa henerasyon mo. Pero nga dahil gaga ka wala na tumakbo na ang oras at naiwan ka na.

Madame pang katangian ng mga kabataan itong aking mga pinaggagawa ay base lamang sa aking nakita, tsk, tsk, at karanasan.

Sana may kwenta pero wala parin. Haha-


KUDAH

Thursday, March 19, 2009

ang bunga ng traffic


Sina Tropa Sa Gitna ng Avenida

Dami kong pagod kanina, pumunta akong divisoria para sa pakpak ng paru-paro.
Pinapabili sa akin ng tiya ko para kay Alexa, ka-miss na ang batang ‘yon.
Hindi na ganon kadame ang tao sa divi pero dahil sa sobrang init, talagang nakakainis,
Tapos hindi ko pa makita yong hinahanap kong bilihan ng pakpak ng paru-paro kaya yon sobrang inis ko. Pero ayos na rin an dami kong nakita iba’t ibang bagay, sa mga taong nandon hindi mo alam kung sino ang may masamang loob o mga normal na mamimili lang. Ang saya sana kung may pera akoang dami kong mabibiling gamit, pero dahil sa wala akong pera, sakto lang at saka limitado ang oras ko, kailangan ko pang umuwi ng maaga para maka-review. Ayon habang pauwi na ako ang traffic!!!!!! Grabe!! Dahil sa ginagawang kalsada sinabayan pa ng mga matitigas ang ulong mga nagbi-benta ng kung anong anik-anik, kaya yon. At dahil mag-gagabi na non, kya kahit san ka lumingon ang dami mong makikitang mga ngtutulak ng kariton, mga binibenta nila ang laman. Nasa isip ko, masisipag sana ang pinoy, boloks lang, pano ba naman kaya naman nilang magbenta ng may pwesto pero mas pinili nilang mag-benta sa tabi-tabi. Hayst, ang buhay ng pinoy, madaming hinaing…


Pero bakit sila parang mukhang kontento…
Ang mga tropang taong grasa sa gitna ng Avenida, mga babaeng hindi natin alam ang pinag daanan pero maaari nating hulaan.
Magkahawak sila ng kamay habang nasa gitna ng kalsada, mga babaing punit-punit ang damit, ang buhok ay nakatali ng kung anong plastic na halatang sobrang lagkit na dahil sa pawis at alikabok ng avenida. Naka-back pack ang isa at sinisigawan ang kanyang kaibigan, inaakit sa gitna ng kalsada hindi man lang alintana ang mga sasakyang nagdadaan at ang mga taong naglalakad sa paligid, para silang may sariling mundo. Naisip ko nga na ang katawan nila ay maaaring gumagalaw pero ang isipan nila ay naglalakbay sa kung saan. Hihi- medyo walang ng sense.


Sa dako paroon, mag mag-tropa namang dalwang batang lalake, siguro nasa 13 anyos pa lang may dala-dala silang tig-isang malaking sako, at ang laman ay mga basurang maaari pang pakinabangan, naisip ko na lang, ano kaya mga pangarap nila? Pag-kaya nakakakita sila ng mga taong normal ang pamumuhay hindi kaya sila nakakaramdam ng inggit? What a nonsense question. Natural nakakaramdam sila ng inggit, pero dahil sa kahirapan ng buhay hindi na lang nla kyang umahon sa pagkakalugmok sa kahirapan. Pero bakit merong iba na nakakaahon at yumayaman, aa, ewan maaaring kanya-kanyang diskarte lang yan.

Siguro kasalanan na rin nila kung bakit sila nasa kalagayang yon, dahil, ano ba ang ginawa nila nong panahong nasa katinuan pa sila bakit nila hinayaang maging ganun ang kanilang kinabukasan at ang ngayong kasalukuyan. Tsk, tsk, tsk.

Sa recto, may nakita ako, isang taong grasa nakaupo sa isang sulok at may dalang baso ng 7/11 at nakasahod sa mga dumaraan at may isang tao na may dalang plastic bag, nag-lalakad, may nakita syang itinapon na mga dyaryo, nilapitan nya ang mga ito at hindi inalintana ang mga basurang katabi nito, pinulot nya ang mga ito at inilagay sa supot na dala nya. Sa dalwa na lang, alam mo na kung sino ang may tyaga at may pag-mamahal sa sarili at sa pamilya. Maaaring magkano lang ang mapipera nya sa mga dyaryo pero sapat na yon upang maidag-dag sa kanilang panganga ilangan. Hayst.. paulit-ulit na lang.

End ko na tong walang kwenta kong kwento.

Wednesday, March 18, 2009


Galit ako, hindi Joke lang, hihi-

Ito na naman ako, mag-popost la namang nag-babasa, ako lang.
Malay ko ba baka madeds na ako maya,e di ayos may mababasa
Kayong walang kwenta. Haha-

Kanina habang nag-lalakad ako pauwi galling school naisip ko,
Bakit may mga anak na nagagawang lokohin ang mga magulang?
Bakit may mga anak na labis ang pagka-muhi sa kanilang ama’t ina?
Bakit may mga nagrerebelde?
Naranasan ko din yan, noon, pero ngayon tinatawanan ko na lang yan,
Masyadong pangbata ang mga reberebeldeng yan, jologs na,
Para sakin hanggat hindi nararamdaman ng isang tao ang kahirapan sa buhay
Hindi sila lalaki, ibig kong sabihin, hindi lalawak ang pang-unawa nila sa buhay.


Dati, pa-astig-astig ako,
“Hate your parents!”
“Lie to them!”
“Rebelde, Astig!”
yan dati ang mga nasa utak ko, kulang na lang bumarkada ako sa mga walang direksyon
ang buhay, pero naisip ko, mas astig kong rebelde ako pero hindi ako pariwara, (bata talaga…) sinubukan ko ang alak at yosi, alak, okay, yosi, no-no… pinatunayan ko sa kanila na kahit muka akong gago hindi parin ako pariwara. Ginamit ko utak ko. Pero isip bata parin ako, tumigil ako ng pag-aaral, nag-trabaho. At don na namulat ang dati kong isip batang isipan,

ngayon tinatawanan ko na lang ang mga rebeldeng bata. Haha- pinagdaanan ko din yan,
at himanga ako sa mga magulang ko. Napakaswerte ko nga,e. napahiya ako sa sarili ko, at patuloy akong nangingiti pag-nakakarinig ako ng mga kabataan sinusumpa ang sariling mga magulang, ang nasa isip ko, (Mahal ako ng mga magulang ko).


Akong mula pagka-bata ay naranasang masaktan ng mga magulang ko, kung noon, minsama ko ang mga palo at kurot na natanggap ko sa kanila ngayon, tinatawanan ko na lang. Isang batang matigas ang ulo, hindi nag-aaral ng mabuti, kulang pa ang mga natanggap ko. Lumaki akong tinaguriang suwail sa pamilya, black sheep ba, pero napaka palad ko dahil hindi marunong mag-mura ang mga magulang ko. Isang beses ko lang marinig magmura ang tatay ko at yon ay sa kalapastanganan ko, hindi ako nasaktan sa sampal nya, kundi nagulat ako sa mura ng tatay ko, at tuwing naaalala ko yon, nahihiya ako, kasi napakasagad kong magmura, pero hindi naman kami pinalaki ng magulang naming sa ganon.

Haha- minsan naiisip ko na independent nga ba ako.
Hindi,e. kasi kahit anong gawin ko, sisigaw parin ako ng “Tatay! Nanay!”
Kanina habang nagluluto ako.
Oo, madame akong alam gawin;
Mag-luto, mag-laba, mag-tubero, mag-linis ng bahay, mag-pakain ng manok, baboy at iba pa, magtanim sa bukid, at marami pa. pero lahat ng yon itinuro sakin ng mga magulang ko pati ng mga lola’t lolo ko, kahit kelan hindi ko kayang higitan ang mga naituro nila sa akin.

Madaming bagay na ang aking pinagsisihan, pero kahit kalian hindi ko ninais na ulitin at itama ang mga pagkakamaling yon, dahil na rin sa mga nagawa kong pagkakamali natoto ako.

Inaantok na ako, meme na ako. Post ko lang ‘to.

Teka hanap pa pla ako ng magandang picture sa google.
Ano kaya?

<----------------------------------->


Tuesday, March 17, 2009

pinag-isipan


Ayoko Mang Isipin Subalit Naisip Ko Na

isang gabi, umaga na rin pala, 2:09am na sa alarm clock ko
tapos sa cp q 2:16am ewan ko kung sino nag-sasabi ng totoo,
pero ang alam ko lang hindi ako dapat magpopost sa blog,ee.
dapat ginagawa ko assignments ko, di ko lang ma-gets kung
bakit ito ang pinagkakaabalahan ko.

buntis nga pala ate ko, haha-
ang galing-galing. Magkakapamangkin na ako sa kapatid.
Lagi akong inuutusan ng ate ko,
pero malambing sya sakin, don sa isa kong ate minsan naiinis,
pero di bali na masaya parin,
katawa nga sina ama't ina,e. Pinapagalitan pa
akong h'wag daw aawayin ang ate ko at baka kung mapano si baby,
excited na silang magka-apo, napag-usapan na din ang kasal. sa Feb.13,2010.
Ayaw kong umabay, pabonggahan na naman yon at ayoko ng ganon.


ano kaya magiging hitsura ng pamangkin ko?

ang dami ko pang dapat ginagawa,e. bakit ba ito pa ang ginawa ko.
inaantok na ako.
teka inum muna ako ng tubig.
nauuhaw ako,e.
______________________________________Gok gok gok..

Np. tumatakbo
a. mojofly

ano ba namang kanta yan,
parang kelan lang, yan ang kanta ko sa sarili ko,
kaso, putik, kasawa palang magka-jowa.
sa awa ng kapalaran, nakadalwa na akong syota, at puta,
ang masasabi ko lang,"eeww...ayoko na."
hindi ako obit pero di ako naging masaya,ee.
parang testing lang ba.


pero syempre kainggit parin 'yong tipong may umaalalay sayo, pero na try ko na yon at
sa totoo lang, gusto ko ng itulak ang kaholding hands ko. haha-
gustong- gusto ko ng tanggalin ang kamay ko, ang sagwa ng pakiramdam.
hindi ko ugaling mag-ILOVEYOU kasi kasinungalinan lang yon.

teka_________
Np. Call it love a. cinderella

ayan... haha- hindi ako in love, la nga ako non,e.
meron namang mga nanliligaw, kaya lang,
sa totoo lang, ayoko sila bilang syota, gusto ko sila
bilang tropa. tama ng sigurong na try kong magka-syota
tsaka na lang ulet. hihi-

la kwenta BREWRATS kanina.

wala na ata akong mai-type, pero teka--
2:29am na sa alarm clock ko. hayst..
pati mga mata ko pumipiki na ng kusa.
sige i-post ko na to.

___________Np. ikaw ang idol ko a. cinderella

solb na solb ako sa porma mo. ikaw ang idol ko..

Thursday, March 12, 2009

Nonsense



Aba, ginganahan ata akong mag-post sa blog,aa.
Akalain ko 'yon?

Ano 'yon?
Wow, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.
Siguro masaya, matutuwa ako.
Kaya lang oras na ba?
Kaya pala.
Haha- dame ko tuwa,
Dame ko ring takot.
Hindi na sa "ouch".
Iba naman 'to.
Katatapos ko lang i-post 'yong isa, meron na naman.
Haha- lupet!

Mag-iisip ako.
Madaming madaming isipin.
Alam kong hindi mag-kakapabayaan,
Pero dami kong takot.
Takot na baka mawala na ang tuwa ko.
Magulo,oo, kahit ako naguguluhan.
Basta kahit ano na lang ang ma-pindot ng mga daliri ko,
Hindi na ako nag-iisip.
Ayaw ko na mag-isip.
Sana maintindihan parin ang aking mga pinipindot.
Madame akong gustong sabihin pero hindi ako handang
Idetalye ang bawat kwento.
May tugtog, hindi ko kilala ang artist,
Hindi ko rin alam ang pamagat.
Ano ba itong nangyayari sakin?
Bakit parang natabunan ang kaninang sakit sa kung saan,
Biglang napalitan ng mga-isipin.
Madaming isipin.

Tsk,tsk,tsk.
Ang tagal mag-alas nine y thirty,
Gusto ko ng makinig ng BREWRATS,
It's positive.
Haha-
Kaloka,
He is gay.
Biglang pumasok sa isip ko ang bakla kong ka-klase.
Bakla nga sya,
Buti pa s'ya may boyfriend,
Boyfriend,
Hay, tama 'wag na muna mag-boyfriend,
Hindi pa panahon.
Madaming panahon,
Pagkakataon.
H'wag muna ngayon.
Puta(o, bad word)
Ayos lang yan.


Kanina bago ko simulan 'to iba ang balak kong i-type,
Pero ng bumalik ako sa upuan, na iba na takbo ng mga daliri ko,
May project pa pala ako sa PROG1,
May assignment pa pala ako sa ENLISH,
Friday pala bukas, Thursday ngayon,
Katatapos lang ng report namin kanina,
Ayos naman.
Ayaw ko nag i-edit to. di ko an babasahin ulit, i-popost ko na lang kagad.
Hays, san ako patutungo.
Muli ko na namang naitanong sa sarili ko,
Madami akong plano,
Mag katotoo kaya,
Madami kaming plano, mangyayari kaya?
Hays, nakailang hay na ako.
Pero kulang parin.
Sagad sagad mga isipin ko.

Ay, teka wala pa pala akong labang blouse para bukas.
Teka maya na 'yon.
Sa Saturday pala may G.E.B. kami.
DM at FU.
GM kaya ako?
Hindi ayoko,
Gusto kong maging payapa kahit sandali.
Ang putang sounds ko nakakaiyak.
Ay, naku, manganganak na pala si patring,
Lalabas na sa earth si adam,
Ilang buwan pa at may panibago na naman.
Ang haba na nito, sige post ko na pagod na rin ako.
Teka, mas pagod si Francis M. kaya yon namahinga na sya.
Di pa pala ako pagod, sawa na lang.
Haha-

Oy, may dalwang mensaheng natanggap,
Mula kanino?
GM na naman,
Hindi na s'ya nag-paramdam,
Okay lang, panira lang ng buhay 'yon.
Haha-

Bukas pala Friday the 13th, waahh..
"Lord God, patnubayan po n'yo kame, ang mga lola't lolo ko,
mga magulang ko, mga tiya't tiyo ko, mga pinsan, kapati, pamangkin kaibigan
at lahat pa po ng mga taong nangangailangan ng inyong gabay."

Haha- natatawa na naiiyak ako, reflection sounds ko, naalala ko
Noong medyo bata pa ako, wala lang. ayaw ko na.
Ayaw ko na?
Sana ganon lang kadaling umayaw sa lahat nga bagay.
May mag babasa kaya nitong blog ko?
Malamang wala, wala kasing kwenta,ee.

STOP!!!!!!!!!

ouch


"May Masakit(OUCH)"

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko.
Pakiramdam ko may kulang hindi ko lang alam kung ano.
Gusto kong maging masaya pero pano ko mararamdaman 'yon?
Parang ang hirap…

Bakit mahirap mag-isa?
Bakit mahirap pag may kasama?
Natatakot ako na hindi ko alam.


Masakit na ang aking mga mata dahil sa pinipigil kong luha.
Luha para saan?
Ang sakit sa dibdib,
Ang sakit sa sikmura,
Ang hirap huminga.
Ano ‘tong nararamdaman ko?

Masakit.
Mahirap.
Nahihirapan na ako.
Saan?
Hindi ko alam.

Masayang awitin.
Masayang usapan.
Maraming Gawain.
Pinipilit kong maging abala,
Pinipilit kong maging masaya,
Subalit bakit nananatili parin ang kahungkagan
Na aking nadadama?

Mananatili na lang ba akong takot?
Mananatili na lang ba akong blangko?
Saan ba ako natatakot?
Bakit hindi ko malabanan ang takot na ‘to?
Dahil ba kahit anong gawin ko,
e hindi ako mananalo sa bagay na ‘yon?

Laro, pinili kong malaro,
Pinili kong sumabay sa agos ng panahon,
Ngunit kahit anong gawin ko kulang parin.
Hindi man ako talo subalit
Hindi ko rin maramdamang panalo ako.

Tama na muna…
Iyak lang ang katapat nito.
Pag nawala na ang bara sa aking lalamunan,
Magiging panatag na ulit ako,
Babalik din ako sa normal.
Sana…