

KABATAAN KASAMA KA BA DITO?


Hayst, mga kabataan nga naman,

kung san san na naman lumiliko utak ko,, siguro kaya walang nag-babasa ng blog ko kasi walang kwenta, tama nga naman sila, haha-

Sige balik na ako sa kabataan 'yon nga ang daming kabataan ngayon na gustong madaliin ang lahat tulad na lang ng mga kakilala ko.
Sabi nila independent na daw sila kaya na nilang mabuhay sa sariling mga paa nila, nagrerebelde pa nga sila sa mga magulang nila,e. tigil sa pag-aaral, tambay, inum dyan inum don, tas yosi, barkada, ang aangas pa nga, pero mababait naman. siguro para sa kanila ang ganong gawain ang ibig sabihin ng "independent", pero pag nawalan sila ng pera san sila lumalapit? ang iba gumagawa ng paraan upang mag kapera, pero ang ilan sa magulang parin ang lapit, sinubukan ko na ring maging "independent" angas ko, may trabaho,e. pero naisip ko lang san ba ako humingi ng pamasahe, pangkain, pang kuha ng mga requirements? lahat ng yon galing sa mga magulang ko, naisip ko lang kasi non, nung bata pa ako na magrebelde-rebeldihan. ang bwakanangni, kagaguhan talaga ng mga isip bata, ngayon ko lang naisip kong gano kakitid ang utak ng mga 17 yrs old, na ang dami nga palang napapariwara sa ganyang edad. Kelangan talaga ng mga kabataang may edad 17 pataas o maging pababa ang gabay ng mga magulang, pag-unawa at suporta para hindi mapariwara ang mga anak. Ang dami kong alam,

Sa dako pa roon, e malayo na diba? hihiburr-

Sa isang banda,e talagang mahirap ang gawain ng mga magulang. Kaw ba namang naghirap ipanganak yang impaktong anak mo tapos magiging suwail pa, tulad na lang ng inyong abang lingkod, ibinigay na lahat gusto pang lahatin, haha- inalagaan mo ng bongga tapos pag lumaki duduraan ka pa. Tapos sa ano mang kapabayaan ng mga kabataan sa magulang pa ang sisi, aba aba aba, ika'y mag isip at ng iyong malaman, hindi lahat ng kakulangan ay ginusto ng iyong mga magulang.

Binigyan ka ng baon, P20.00, san ka pumunta? sa comp. shop at nagDOTA.

Binigyan ka ng pangtuition, tiwalang-tiwala ang ina mo na makakagraduate ka pero san mo ginagastos ang mga perang pangtuition mo? nagmomotmot ka, paemba-emba, kala mo sosyal, gala dyan, bora-bora, la na ngang datung, mga tipikal na sosyalera wala namang pera.

Magulang mo ba ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho?
ang sumbat mo sa kanila, hindi ka nila nagabayan masinuna nila ang mag-payaman, naisip mo ba na ginusto ba nilang iwan ka at lumaki kang hindi mo sila kasama? hindi nila ginusto yon, ang gusto nila mabigyan ka ng magandang buhay 'yong tipong laking aircon na matatawag. paemo-emo ka pang nalalaman na "

Isa ka bang urban poor?

nagtrabaho ka, nakaipon pero ibinili mo ng mga luho mo para hindi ka mag-mukhang urban poor, mga gamit mo'y hindi sa cartimar nanggaling kundi sa sm, sale kasi nakamura ka pa, pero ang nanay at tatay mo'y gusto ka nang makitang nag-aaral pero dahil gaga ka, trabaho inuna mo, ma-endo ka man apply ulet, nakailang taon kanang nagtatrabaho, hanggang sa di mo na nalayan matanda kana at ang mga kasabayan mo sa pinagaaplyan mo ay mga bata na, nalaos ka, matanda kana kasi at ganon parin buhay mo, bigla mo naisip sana pala nag aral ka para nakasabay ka sa henerasyon mo. Pero nga dahil gaga ka wala na tumakbo na ang oras at naiwan ka na.
Madame pang katangian ng mga kabataan itong aking mga pinaggagawa ay base lamang sa aking nakita, tsk, tsk, at karanasan.

Sana may kwenta pero wala parin. Haha-

No comments:
Post a Comment