Thursday, March 12, 2009

ouch


"May Masakit(OUCH)"

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko.
Pakiramdam ko may kulang hindi ko lang alam kung ano.
Gusto kong maging masaya pero pano ko mararamdaman 'yon?
Parang ang hirap…

Bakit mahirap mag-isa?
Bakit mahirap pag may kasama?
Natatakot ako na hindi ko alam.


Masakit na ang aking mga mata dahil sa pinipigil kong luha.
Luha para saan?
Ang sakit sa dibdib,
Ang sakit sa sikmura,
Ang hirap huminga.
Ano ‘tong nararamdaman ko?

Masakit.
Mahirap.
Nahihirapan na ako.
Saan?
Hindi ko alam.

Masayang awitin.
Masayang usapan.
Maraming Gawain.
Pinipilit kong maging abala,
Pinipilit kong maging masaya,
Subalit bakit nananatili parin ang kahungkagan
Na aking nadadama?

Mananatili na lang ba akong takot?
Mananatili na lang ba akong blangko?
Saan ba ako natatakot?
Bakit hindi ko malabanan ang takot na ‘to?
Dahil ba kahit anong gawin ko,
e hindi ako mananalo sa bagay na ‘yon?

Laro, pinili kong malaro,
Pinili kong sumabay sa agos ng panahon,
Ngunit kahit anong gawin ko kulang parin.
Hindi man ako talo subalit
Hindi ko rin maramdamang panalo ako.

Tama na muna…
Iyak lang ang katapat nito.
Pag nawala na ang bara sa aking lalamunan,
Magiging panatag na ulit ako,
Babalik din ako sa normal.
Sana…

No comments: