Friday, July 31, 2009

Hindi Ko Pa Alam


Haha- ang pagbabalik ng mga daliri kong makulit!


Hindi ko alam kung bakit ang mga daliri ko ay tumitipa dito ngayon.
Dapat ay nasa school ako at nagpapanggap na istudyante pero anong
ginagawa ko dito sa bahay at nakatunganga na naman sa harap ng monitor ng pc...
Alam ko ang sagot...

Kasi hindi ako nakaligo ng maaga, e ayon nawalan ng tubig dito sa building kasi nililinis 'yong tangke. Tapos, tinamad na rin naman ako, para bang mas gusto kung tumunganga at magmini-muni sa kawalan. Tama ba 'yon, ang lumiban sa klase para sa walang kwentang gawain? Tsk, ilan sa mga kabataan ngayon ang mas gustong tumambay kesa sa mag-aral? Madami rin, pero sabi nga sa aklat na nabasa ko kagabi lang,
"Dalwang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pag-titiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit."
Oo, kay Bob Ong na aklat 'yon, 'yong Macarthur, regalo sakin ng kaibigan at kaklase ko para sa kaarawan ko.

Tama nga, sino ba mga nag-hihirap ngayon? Mga taong hindi nakapag-aral, kanina na lang habang nakasilip ako sa bintana at hindi ko namamalayan na nagtatanggal na pala ako ng tinga, nakita ko sa banda roon ng lugar namin ang mga "iskwater", sa ilalim ng flyover kungsaan makikita mo ang mga nakatambay na pedicab driver at mga tambay lang talaga, iisipin mo, nakapag-aral kaya sila? Minsan nakikita ko na lang silang tulog sa kainitan ng tanghali sa lumang sofa na nakapwesto sa ilalim ng tulay, ano 'yon puyat o idinadaan na lang sa tulog ang pagkalam ng tiyan?

Madami na rin naman na mahihirap ang nakapag-aaral dahil sa pag-sisikap,e. Naalala ko tuloy, habang nasa jeep ako, nakaupo sa katabi ng driver, dalwa kami sa upuan, ang isa ay ang kasama ng driver, madaldal sila manong tinanong kung saan ako nag-aaral, sumagot naman ako, nag kwento si manong driver sabi n'ya kung saan sya nag-aral, kala ko college ang ikinikwento n'ya pero high school days pala nya 'yon, hindi na daw s'ya nakapag-college kasi tinamad na daw s'ya,(tsk, tama nga si mang Justo, magtiyaga ka na lang ng dalwang dekada kesa limang dekada ang paghihirapan mo...) hindi sa kung ano pa man, pero kung nakatapos ba si manong ng college, nag-dadrive kaya s'ya ngayon ng jeep? Baka limang jeep ang pag-aari n'ya ngayon.
Muli pa'y nagsalita ang kasama ni manong driver,
"E, ano naman ang kors mo?"

Sumagot ako, sabi ko "IT po."

Sa pag-aakala kong alam n'ya ang sinabi ko, tumatango lang ako, sa mga iba pa n'yang tanong nang biglang...

"Ay, di magaling kang bumasa ng isip at kilos ng mga tao?"

Ngek!!!! ang akala ko pa naman naintindihan ako ni manong sa kors ko. Syempre hindi ako nagpahalata ng pagkadismaya, ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ba ang IT, at s'ya pa ang tumawa ng sabihin n'yang mali pala s'ya, sinabi ko na kay manong na "para" at natuwa naman ako kasi ngumiti sila at sabi "salamat" s'yempre ngumiti rin ako para ipahiwatig na walang ano man.


Sa paglalakad ko papasok ng pamantasan hindi maalis sa isip ko ang mga bagay bagay, bakit hindi pa nat'yaga nila manong ang pag-aaral noon,e kung iisipin napakadaling mag-aral noon dahil napakamura pa ng edukasyon, 200 pesos makakapag-aral kana sa pribadong paaralan, samantalang ngayon, 200 pesos kulang pang baon ng istudyante.

Nakapasok na ako sa gate ng pamantasan, ang laki rin ng binabayad ng magulang at kapatid ko sa paaralang iyon pero 2 o hanggang 3 oras lang ang itinatagal ko doon, pag-katapos ng klase uwi na ako, ganoon parati ang gawi ko, maganda naman ang kanilang pag-tuturo, kaya lang minsan aircon na nga lang ang sinusulit ko minsan hindi pa gumagana. Haha- pasaway talaga.

Pag-katapos ng klase kadalasan tinatamad na akong maglakad kasi laging maulan, pero dahil malapit lang ang bahay namin laging nag-susumiik ang kakuriputan ko sa katawan, s'yempre magbabayad ako ng 6 pesos kaya medyo patatagalin ko muna ang aking byahe, sa recto gate ako lumalabas at sumasakay ng jeep, dahil hapon na at talagang uwian na ng mga istudyante kay inaabot ako ng trapik, pero minsan gusto ko na rin 'yon para nakakapag-muni-muni ako, haha- minsan kasi ang sarap pagmasdan ng mga tao na naglalakad tapos gagawa ako ng kwento base sa hitsura nila tulad na lang...

Nakasakay ako sa jeep, nakaupo sa paborito kung pwesto ang katabi ng driver, nakatingin sa labas ng jeep, ang daming tao, ang daming istudyante, may grupo ng mga foreigners, mga persian na istudyante, s'yempre pa alam naman natin na hindi kaaya-aya para sa ating mga pinoy ang amoy nila, may mga batang marurungis ang naglalaro sa tabi nila pero hindi nila ito alintana, pero sa isang banda, may grupo ng istudyante mga pilipino, mga mukhang laking aircon base na rin sa uniform at mga itsura nila, hindi man kagandahan pero alam mong may dating na mayaman, nag-tatawana silang lumabas sa convenience store sabay turo sa mga batang nag-lalaro, hindi ako natuwa sa nakita ko, parang pinagtatawanan nila ang mga bata,(mga tropa ko kaya 'yon.) nanag hindi sinasadya na mapatulak ang isang bata sa gawi ng mga mayayamang pinoy na istudyante, ano pa ang inaasahan, parang diring-diri ang isang babae na biglang sumigaw at nagtatalon,(puti nga naman ang uniform baka madumihan, pero isipin ko man at isipin parin, nurse ang course ng mga istudyante, nurse na dapat handang madumihan ang mga puting damit para makapag-alaga ng mga may karamdaman, hindi man sa kung ano pero hindi lahat ng gagamutin at aalagaan ng mga nurse ay mayayaman,pano pag napadistino sila sa mahihirap na lugar? magtatatalon din sila sa pandidiri sa kapwa nila tao? tsk...)

Minsan, lagi pala naaasar ako sa mga driver ng jeep na pinipilit abutan ng stop light para makakuha ng mga pasahero, ang tagal tuloy ng byahe at ang dami ko tuloy napapagmasdan. tulad na lang...

May mga naka puting uniform akong istudyanteng nakita, nakatayo sa harap ng convenience store, maayos naman ang hitsura nila pero alam ko na may something behind them, sila ata 'yong mga tipong nagtatrabaho para makapag-aral, trabaho sa dilim, oo, maaaring mapang husga ako pero naisip ko lang, habang nagsasalita sila, walang ka-class class, habang ngumunguya sila ng chewing gum, at humihitit ng yosi, parang ang dating,e tipong, alam n'yo na, pok-pokin, madami rin akong nakikitang mga nagyoyosing babae, ang iba, parang wala lang kung titingnan ang iba naman astigin, madami rin akong nakikitang ngumunguya nga chewing gum, ako mismo pero tinigil ko na kasi sabi ng mga nakakakilala sakin hindi daw bagay sakin ang ngumunguya, naisingit ko lang, 'yon nga ang iba kyut ang iba seksi at ang iba talagang malaswa na ay masagwa pa, haha-

hindi ko rin maiwasan na pagmasdan ang mga mukha nila na napapalamutian ng makapal na make-up, ang dami ko rin nakikitang nagmimake-up pero iba ang dating ng make-up nila, hindi naman si la pangit, hindi lang sila kagandahan, ang nasa-isip ko, kung doon sila nag-aaral, malamang ang laki nangkinikita nila, kasi ang mahal ng tition ng nursing doon sa paaralang 'yon,e. Haha- may nakita naman akong mga simpleng istudyante lang, mga hindi mo pag-kakamalang mayaman pero kung titingnan mo sila mukhang matatalino naman, kaya malamang mga scholar 'yon.

Minsan pa ay umandar na ang jeep na sinasakyan ko, at nakita ko ang Mendiola, sa lugar na madaming nag-rarally, mga kabataan at mga mamamayan na sumisigaw ng pagbabago at katarungan. Nalala ko na naman, isang araw ng Linggo, isang araw bago mag-SONA, maulan noon at may lakad ako, papuntang divisoria, pinipilit ko ang kausap ko noon na ikansela na ang lakad namin sapagkat ayokong mag langoy sa burak ng divisoria, subalit mapilit ang kausap ko, hindi pa kasi n'ya nararanasan ang mag-swimming sa baha ng divisoria, gamit daw nya ang bibilhin namin kinabukasan para sa SONA, makiki-rally s'ya, pinipilit pa n'ya ako na sumama pero ano ang gagawin ko doon? makisigaw? Oo, gusto ko na umalis sa pwesto ang pangulo, pero kung sobrang kapal na ng mukha ng nakapwesto paano pa tatablan ng sigaw ko ang mukha nya? Parang silicone na nakalagay sa dibdib ng babae, nakahit lamasin mo daw,e hindi maramdaman, parang OA naman noon? pero ganoon nga ata ang pagmumukha noong taong sinigigawan nila. Marami parin ang may ayaw sa panunungkulan niya pero ano pa ang kayang gawin ng mga tao para mapaalis sya sa pwesto? Haha- tama na nga ang politiko, mas madumi pa sila kesa sa maduming burak ng divisoria, mga babaeng mababa ang lipad at mga pulibing nakakalat sa kamaynilaan.

Pero bakit parang kaamoy ko na ang mga tropa ko? Haha- amoy Jai Ho na ata ako.

Oxege, hanggang sa muli.

Teka, bakit walang title?

Hindi Ko Pa Talagang Alam...

Haha-


KUDAH

Wednesday, May 13, 2009

Wala Pa Wala Pa, Kumakamay Na.


"Aasahan Ko Po Ang Suporta N'yo"

Ibabahagi ko ang nasaisip ko,
Wala mang k’wenta pero may dating din naman.
Haha-

Sisimulan ko na
Ang isang gabing walang k’wenta.


Isang gabi, habang kagigising ko lang sa
Maghapong tulog nang magtext ang ate ko,
Nag-papaluto ng ulam,
Bumangon na ako at naghanda ng mga sangkap,
Kompleto na,
Inilagay ko na ang kawali sa kalan,
At dahil urban poor kami,
Maliit lang ang kalan naming.
Dahil doon, kailangan pa ng posporo,
Kinuha ko ang kahon ng posporo,
Binuksan ko, ang laman isang perasong palito,
Kinalma ko ang sarili ko,
Nainis dahil ang mga hinayupak kong pinsan
Ay hindi maasahan sa pagbili ng posporo.

Balik na sa palito.
Tinitigan ko ang ang palito,
Nakakaduda man ang hitsura,
Pero sinibukan ko parin,
Dahan-dahan ko itong ikiniskis sa
Gilid ng kahon.
Sa kabutihang palad ay umapoy naman
Pero medyo napamura ako,
Medyo lang naman kasi
Tatlong murang magkakasunod lang naman ‘yon :
“ang p***ng i**ng ha**p na g**o yan!!!”
yan lang naman ang nabigkas ng nagbabaga kong bibig
ng biglang humangin at mamatay ang apoy sa palitong hawak ko.

Badtrip man ay bumaba na rin ako,
Tinatamad pa naman ako,
Palito lang ang bibilhin ko,
Tapos sa 5th floor pa ako galling,
Tsk…
Paglabas ko ng bahay,
Medyo umaambon pa.
Hindi ako bumili sa katapat na tindahan,
Gumilid pa ako at kana manong Caloy ako bumili,
Pero may magarang mama ang kausap ni manong,
Naisip ko, bakit pa ako lilipat, e nakita na ako ni manong Caloy,
Pinili ko na lang na matapos ang kanilang pag-uusap ni Sir Magara,
At dahil may pagka, pagka lang naman, may pagka-tsismosa ako,
Narinig ko na si Sir Magara ay
May balak tumakbo sa hindi ko maintindihang posisyon
Sa darating na eleksyon.

Pagkatapos nilang mag-usap,
Nagpaalaman na sila,
Ang sabi ni Sir kay manong,
“Sige po, asahan kop o kayo.”
Sabay ngiti, at lingon sa akin,
Wala naman akong nagawa
Kundi ang ngumiti rin dahil sa aral ng kagandahan asal.
Pagkatapos n’yang ngumiti,
Inabot pa n’ya ang kamay n’ya
Wala naman akong ibang magagawa
Kundi ang tanggapin ‘yon kahit napipilitan lang
Dahil na rin sa kagandahang asal.

Paglingon ko kay Manong,
Nakangiti s’ya sa akin,
May palagay ako na walang
Balak si mang Caloy na sumuporta,
Kaplastikan lang.
Hindi ko na hinintay na mag-tanong
Pa si Mang Caloy,
Ako na mismo ang nagsabi ng bibilhin ko.
“Mang Caloy, may posporo po kayo?”
Sa halip na sumagot,
Tinanong pa ako,
“ako hindi mo kakamayan?”
napangiti ako ng i-abot n’ya sa akin ang kamay n’ya.
Tinanggap ko na rin para cute.
Haha-

At nang mag-tanong ulit ako ng posporo,
Ang sabi n’ya ay wala na ubos na daw.
Lihim naman akong napamura noon,
Lihim lang kasi ang sabi ko lang sa sarili ko:
“Ang puka ni pocha choo choog choogin ko”
May codes kaya lihim lang,diba?
Kornik alam ko, h’wag ka na tumawa.
‘yon nga, ang tagal kong nakatunganga don,
tapos wala ako mabibili?
Ewan ko lang kung nahalata ni Mang Caloy
Ang pagkadismaya sa mukha ko,
Kasi kahit wala sila pinag-bibenta,
Dali-dali s’yang nag hanap ng posporo,
At ‘yon ang ibinigay sa akin,
Ng walang bayad.
Tumanggi man ako pero mapilit s’ya kaya
tinanggap ko na rin.

Lumakad pa ako papuntang kalapit na tindahan,
Ang sari-sari store ni Mang Totoy,
Habang naglalakad ako papunta doon,
Narinig ko ang mga nakatambay sa
Labas ng bahay nina Manang Celie
At ang sabi:
Unang tambay: haha, at kumakamay na.
Pangalwang tambay: kung kakamay na rin lang dapat may naka-ipit.
At ang lahat ay tumawa na.
Hindi ako na patawa, napailing ako.
Ito pala ang mga matatandang
Napapaligiran ng mga makabagong kabataan,
Paano mag-kakaroon ng pag-babago
Kung ang mga matatanda na dapat na
Tinutularan ng mga kabataan ang s’yang nagpapakita
Ng kanilang kabulukan.

Sa wakas naka rating na din ako sa tindahan ni mang Totoy,
Nagalit yata ako sa posporo kaya sabi ko:
“Mang Totoy, limang posporo.”
Hindi ko nai-tanong kung magkano,
Kulang pala ang dala kong pera,
Buti na lang mabait sa mang Totoy at hindi pumalag ng sabihin kong:
“Tatlo na lang po pala.”
Sabay ngiti ng napahiya.

Nag-lalakad na ako pabalik sa bahay
At nakita ko si Sir Magara,
Kumakamay na rin sa mga Tambay,
May narinig ako,
“ang aga naman ni Doc.”

At doctor pa pala ang magarang sir,
Habang umaakyat ako ng hagdan,
Bigla ko lang na-isip,
Teka, pakamay kamay pa sakin si doc,
E, hindi naman ako dito botante.

Napapangiti ako pabalik sa bahay,
At ng nasa bahay na ako,
Commercial naman ni Mr palengke
Ang aking nasilayan.
Ganun talaga,
Eleksyon na naman pala,
Nakapag-parehistro na ako kaya makakaboto na ako sa 2010.

At yon ang k’wento ng posporo.

Wala mang k’wenta pero ayos lang.

Share lang po.


POSTED

Monday, May 4, 2009

"HAY"


Dito na, Dito pa, Dito na lang
(walang konek)


Hay, buhay...

Diba ang salitang "hay" ay galing sa salitang "buhay",
kadalasang sinasabi natin ang katagang 'yon tuwing
nakakaramdam tayo ng pagod.
Subalit, saan ba tayo napapagod?
Sa buhay natin o sa mga nangyayari sa buhay natin at maging sa iba?
Maaaring dahil nga doon, pero kadalasan, sinasabi lang natin 'yon dahil
"hay, kaasar ka." wala lang, pa-cute ba, haha- wala ng sense pero madalas
na ginagamit natin ang "hay" pag may na-iisip tayong bagay na mahirap sagutin
o talagang wala lang kasagutan.

Natutuwa naman ako at may nag-babasa pala ng mga na i-post ko dito.
Salamat po.(isiningit ko lang, 'yong isa mukhang laking aircon, di masyado magaling sa tagalog, kaso baka naman pag nagpost ako dito ng english, puro tawa na lang ako, haha- minsan lang ako gumaling sa english noon lang 'yon, nag bagong buhay na ako. Oo, mas madami makakabasa nito kung english, pero pang-Urban Poor lang blog ko,ee. Pampalipas oras.)

'Yon nga, mga tanong na hindi ko alam kung may sagot o talaga lang wala ako maisip o talaga lang walang laman ang isip ko.

Nitong mga nakaraang araw, ang dami kong "hay" na nagawa,
puro "hay" na lang.
April pa lang noon, dami nangyari...
Akalain ko ba na muntikan na ako mawala sa ulirat o sa sarili.
89th Birth day ng lola ko noon, April 19, nakita ko sa cr ang multo ng kapatid ng lola ko, grabe, iyak na lang ako ng iyak. Oo nga at nakainum ako pero hindi ako lasing.

'Yong lola ko kasing 'yon ang mas malapit ako kesa sa nanay ng tatay ko,
lumaki ako na mas kilala ang kapatid ng lola ko bilang nanay ng tatay ko,
ayon nga at ng mamatay s'ya hindi ko man lang nadalaw kahit isang beses,
siguro nag-tampo s'ya kasi ako lagi ang katabi noon dati matulog, binibili ako noon ng mga laruan, ng hair clips at pinagtatahi ako ng damit. "HAY" gustuhin ko man na dalawin s'ya hindi ko rin magawa, maaaring dahil hindi ko naman alam ang pag-punta doon o talagang tinatamad ako. Gabi ngayon at medyo kumukulog at kimikidlat sa labas, medyo malamig din, May na ngayon, baka maramdaman ko s'ya bigla.(haha- katakot...)

'Yon nga at May na ngayon, ang hindi ko lang malaman at bakit may ganoong paniniwala na nakakapag-pagaling at nakakapag-iwas ang unang ulan ng May ng anumang karamdaman, tsk, ano ba konek noon sa May? lumaki kami na laging 'yon ang sinasabi ng mga matatanda. Pano pag may lagnat, mag-papaulan ka pa ba?

Naaalala ko noon ang sabi ng lola ko, "mag-paulan kayo at unang ulan ng Mayo."
Pero bakit May lang?
bakit pag-ibang araw na o buwan, pag nag-paulan kami, lagi kaming pinapagalitan, magkakasakit daw kami.(matatanda nga naman... tsk.. oo na lang, mahal ko sila,e)

Ngayon, medyo nakakaramdam na ako ng antok, kaasar lang kasi ilan na din na-ipost ko dito tas puro mahahaba pa pero ang dami nag-sabi skin na i-delete ko daw, napagalitan pa ako ng nanay ko.

Hay, badtrip CP ko, kanina ayaw mag-charge, tapos noong empty na talaga 'yong bat ko, bigla na lang nag-charge, asar tlaga.

Hay, malapit na pasukan, gastos na naman.

Hay, may gusto akong gawin kaso kailan ba 'yon?

Hay, naalala ko noong pumunta kaming pulp summer slam 09, inihuli nila mga gusto kung panooding banda, ayon, umaga na kami naka uwi, Naasar lang ako.

Hay, gusto ko ng umuwi ng quezon para doon magpraktis ng graffiti pero tinatamad pa ako.

Hay, malapit na birth day ng nanay ko, may pambili kaya ako ng gift?

Hay, kailan na magkakatrabaho isa ko pang ate, para lagi na akong may pera.

Hay, lagyan ko pa ba 'to ng mga kulay o basta ko na lang i-post? Tinatamad na ako,ee.

Hay, pacman fever na naman, LSS "Lupang Hinirang" by Martin Nievera, kanina may bumaba galing 5th floor kumakanta, lumabas ka, maririnig mo, pacman, pag nagbukas ka ng TV 'yon din, sa mga GM kahapon halos lahat may ganon din, oo. Pero grabe naman kasi 'yong laban, grabing paghahanda ginawa ni pacman tapos 2nd round pa lang wala na si hitman, tsk, yayabang kasi.

Hay, medyo inaantok na ako, pero ayoko pa matulog.

Hay, ang daming kwento ng buhay, mga iba't-ibang tao...
At talagang nakaramdam ako ng awa para sa kanila.

May ganoon pala talaga,
'yong tipong, magkakapatid sila pero lahat sila dumaan sa mga maling relasyon?
Nagkaroon ng mga hindi kagandahang karanasan sa pag-ibig na nagbunga ng mga taong nakilala ko. Ayoko na magkwento dito dahil may mga nagbabasa na rin pala.

Hay, tama ba'ng hindi ako mag boyfriend? Kasi naman kung hindi bata matanda, naman kasi diba? Tapos pakiramdam ko hindi rin naman nila ako siseryosohin, ako lang ang masasaktan, kaya buti pa h'wag na lang, mag papaka-abala na lang ako sa ibang bagay, hindi ko kailangan ng sakit sa lungs.(hindi ko kasi talaga alam kung saan sumasakit,e. Tama bang sabihin na sa puso 'yong sumasakit pag nabibigo sa love? e, mas masakit pa sa lungs 'yon,e tipong hindi kana makahinga. haha-) Kung iisipin ko naman na mala Judy ann Santos ang love life ko, kapamura na lang, mangarap ka ng sagad!

Hay, naalala ko 'yong ka-chat ko noong isang araw, tungkol sa paniniwala at pananampalataya. HIndi ako naniniwala sa relihiyon pero naniniwala ako sa D'yos.
maaaring iba't-iba ang mga pinaniniwalaan ng mga tao pero, para sa akin hindi dapat sisihin ng mga taong hindi naniniwala sa D'yos na si Kristo ang lahat na pagkabigo nila, dahil hindi naman sila nanampalataya o naniniwala sa Kanya, oo, hindi ako pabor sa mga ginagawang tradisyon ng mga relihiyon, pero hindi ibig-sabihin noon na galit ako sa D'yos ko.(haha- medyo nonsense na...)

Hay, sige ipost ko na 'to...

antok na ako...


Hay buhay, i love my life...

Thursday, April 16, 2009

stranded sa tanay,rizal


Stranded

Ito na naman ang aking mga daliri nagmamadali na naman
sa pag-tipa sa keyboard, ang daming kwentong naipon, sa sobrang dami….

Mai-type ko pa kaya lahat?

Hihi-

Sisimulan ko na…

Ito na...

Isang bagsakan!!!



Ang Stranded

It was April 17, 2009 3:00pm… (oppss.. banyagang wika ‘to,a tagalong lang).
‘yon nga araw ‘yon ng Martes pauwi na kami ng Quezon, ang kasabay ko mga ate ko at si Jake(boyfriend ng ate ko, magiging asawa na pala) ang init non tas ang mga kasabay naming may mga bata, buti na lang sa katabi ako ng driver napa-upo non, tumatakbo na ang aming sinasakyang van ng biglang namatay ang aircon, di ata kinaya ang init, nasa marikina na ata kami non ng buksan na lang ang bintana, mas pabor sakin ‘yon kasi talagang ang init, tamang GM lang ako text-text sa mga friends, nang biglang marinig naming ang pagtunog nang makina, nasa Marcus Highway na kami non, asa kabilang side malayo sa tabing kalsada, kaya naman bumaba ako, wala lang gusto kong bumaba kasi balak kong magtulak, haha- kaso ang dami palang lalaking sakay non, kaya bahala na lang sila, tamang GM parin ako, la magawa,e ang tagal maayos nong van nag-overheat daw, ang usok nga naman, grabe.

At buti naman muli na naman kaming nagpatuloy sa aming byahe, asa antipolo na kami, sa may bangin, don pa kami tumigil, nakakatakot pa kasi umaatras ‘yong van, ako ulit ang naunang bumaba, katakot,e baka maya mahulog pa kami sa bangin, ayon, ganon ulit nang yari, asa kabilang side ulit kami kailangan na naman nilang magtulak, ang dami pa namang sasakyan, nakakatakot tumawid, may abandonado doong parang restaurant o bar ata ‘yon, don na lang kami umupo, may nakaka-aliw na bata na madaldal, meron namang tahimik na bata, na nakakatawa kasi kanina pa n’ya sinasabi sa lola n’ya na maglakad na lang daw sila, haha-, ilang minuto pa at okay na naman daw, so go ulet, mga 5:00pm na ata non, naiinip na rin ako kaya medyo napapapikit na ako, pero dahil ang daldal ni manong driver, hindi ako makatulog at medyo kinakabhan na din ako na baka tumigil na naman.

Nasa Tanay na kami, at medyo nagtututunog na naman ang makina nang sinasakyan naming van kaya sa halip na pumikit ay nakiramdam na lang ako ng kung ano ang muling mangyayari sa van. ‘Yon nga at muli na naman kaming tumigil, sa pagkakataong iyon ay sa Tanay na, may parang simbahan don na ewan, nakakatawa pa ‘yong driver at ako pa ang tinanong kung san pwedeng kumuha ng tubig ay pakingshet naman diba, pasahero din kaya ako, haha- ako pa ata ang balak pag-igibin, pakyu mo manong. Ang tagal naming nakatigil don, dak-dak ng dak-dak si manong lagay daw sya ng lagay ng tubig lagi daw namang naiigahan, e, ang bobo, may butas naman pala ‘yong nilalagyan ng tubig, ewan kung anong tawag don, kaya hindi mapuno-puno, tsk, dami nya dada, kaya yan, ang dilim na nang may lumapit sa aming bata, tinatanong kung anong sira, tas ‘yon sila na nag-usap, text lang ako sa isang tabi. Ang mabuti non may talyer pala na malapit lang don, kaya ‘yon may makakatulong samin, ang nakakainis kasi kanina nong tumigil pa lang kami sa Marcus Highway may tinawagan nang van na pipick-up samin, e ang tigas ng ulo ni manong pilit parin ng pilit na bumyahe, yan. Nakaramdam na kami ng pagkainip, kanina pa pala, buti naman at may restaurant na malapit don, dahil gutom na rin kami, nag balak na rin kaming kumain, nag-order lang kami ng lugaw tatlo, isang halo-halo at isang tapsilog, ampopo inabot ata kami ng 45mins sa paghihintay, buti na lang ang ganda nong restaurant puro painting tas ang ganda pa ng mga upo-an may duyan pa, kaya medyo na libang kami tamang picture-picture kami don, nang mapatitig ako sa isang painting sabi ko parang pamilyar ang hagod, iginala ko ulit paningin ko, may nakita akong pangalan, “YATAR”, lahat ata ng mga painting na nandon ay ginawa ni yatar, si yatar ay isa sa mga paburito kong illustrator sa PHR, kaya namukhaan ko ang mga babaeng nakapainting don, tamang titig, ang tagal parin ng order naming, e konti lang naman ng taong kumakain don, tsk, pero natuwa parin ako kasi ang daming arts.

Sa wakas sa paglipas ng ilang minuto dumating na ang order naming, hindi namin alam kung san pa nanggaling na lugar. Pagkatapos naming kumain, sakto rin na tapos na ang problema ng van, byahe ulet kami, tumigil pa kami sa manggahan para kumain, pero dahil sa nakakain na kami,e hindi na kami bumaba. At muli nagpatuloy na ulit kami sa pag-byahe, gaya ng mga naunang oras ang daldal ni manong, ang dapat na apat na oras lang naming byahe ay inabot ng anim o pitong oras, at habang nagbabyahe pa kami sa bundok bigla ba namang may pumasok na kung anong hayop sa sasakyan at dahil madilim hindi namin makita kung ano ‘yon, kinagat pa si manong driver sa kamay, at nang mabuksan ang ilaw nakita nga naming na uri ng ibon ‘yon, kwago nga ata ‘yon,e basta mukha syang batang kwago. Hanggang Real lang kami dahil dumaan kami kina Jake, para sya na lang ang maghatid samin sa bahay, at dahil may pagka-duwag si Jake isinama pa nya ang kanyang kapatid, para may kasama pauwi. Haha-

At sa wakas nakauwi din kami, pag-dating namin tulog na mga tao, si tatay lasing na naman at tsaka si lolo, haha- mga pinagmanahan ko. Dahil gutom pa ako, kumain pa ako bago matulog.

At don nag-wawakas ang aming byahe.

Sana hindi na maulit...
sa Tanay...

sa ibang lugar naman...
haha- sana magka-tsekot ako,
tapos mamumundok ako...
haha-


>>STRANDED<<

Friday, March 27, 2009

MASAKIT PARIN SA PUSO (ouch)
i-witness "Ambulansiya de Paa"


Naaalala ko parin ang na panood ko sa i-witness tsk, doon ko naramdaman ang awang biglang humaplos sa mala bulak kong puso (haha- talaga namang... bakit di ko kayang magseryoso?)Ayon hinga muna ako ng malalim..

Ang pamagat ng napanood kong 'yon sa i-witness ay "Ambulansiya de Paa" pinapakita doon kung gaano kahirap pag nagkasakit ang mga residente sa lugar na iyon, sa Bansud, Oriental Mindoro. Nakilala ni Kara David doon si Lowen Tayo isang lalake na may karamdaman, kung susuriin napaka simpleng sakit lang na lumala dahil sa kakulangan sa kaalamn ang sakit ni Lowen ang tuberculosis, sa panahon ngayon hindi na matatawag na malubhang karamdaman nag TB, basta maagapan lang ng gamot, pero sa kalagayan ng Bansud, ang sakit ni Lowen na iyon ay malubha at nakakahawa, ibinukod na si Lowen ng tirahan dahil sa takot na mahawaan ng TB ang mga tao. (sinaunag sinauna talagang paniniwala, tsk...) Ako'y nakaramdam ng awa hindi lamang kay Lowen kundi maging sa lahat ng mga nakatira sa Bansud, ang karneng matatawag nila ay daga, pinapakain nila ng saging ang mga daga para may makain din silang karne (hanep!!! napapalumod pa ako habang pinapanood kong tinatadtad ang karne ng daga... yuck, sobra!!!) Pero masisisi ba natin sila sa pagkain ng mga kanoong klaseng pagkain, e napakalayo nila sa kabihasnan.

Ipagpapatuloy ko ang kwento, nang malaman ni Kara David ang kalagayan ni Lowen pinilit nya ang mga tao na i-pasuri si Lowen sa doctor subalit napaka layo ng ospital mula sa kinaruroonan nila, mga apat na oras daw ang lalakarin nila kung mabagal at kung suswertehin namang maaabutan ang track sa may ilog ay maaari silang makisakay papunta sa bayan. Sa napakaputik na daan tulong-tulong nilang inusung si Lowen sa pamamagitan ng pagsakay kay Lowen sa duyan, hindi biro ang maglakad sa maputik, madulas at mabundok na lugar lalo na at kung may usung-usung na talo, swerte naman at naabutan nila ang track kaya nakasakay sila papuntang bayan. Naabutan nila ang doktor at nabigyan si Lowen ng gamot, pero hindi pa doon natatapos ang gamutan ni Lowen muli pa syang babalik at ganoon parin ang sistema. (sana lang ay hindi mapagod ang mga taong tumulong sa kanya at matulungan pa sya sa pagpapagamot...)

Hindi pa natatapos ang kwento kay Lowen. Nakilala rin ni Kara David sina John Lloyd at Wendy (Hindi sila artista, haha- kapangalan lang, mga kapamilya ata tao don sa Bansud, nayahaha-)'Yon nga si John Lloyd ay may broncho-pneumonia at hernia, samantalang si Wendy, nalapnos ang balat matapos mabanlian ng kumukulong sabaw.
Si Wendy ay nabigayan na nang gamot subalit dahil nga sa layo ng bayan malapit ng maubos ang gamot nya ay hindi parin sya naibibili ng gamot, samantalang ang nakakalungkot nang sobra ay ang kalagayan ni John Lloyd, ang payat-payat ni John Lloyd buto't balat na ngang matatawag,isang taon na sya ngunit kung titingnan ay tila isang sanggol pa lamang, ang nakakalungkot pa, hindi pa pala nakakatikim nang gatas si John Lloyd, dahil namatay ang kanyang ina pagkapanganak sa kanya, ang nagsisilbing gatas nya ay am at ang tanging kinakain nya at ng pamilaya nya ay saging
minsan nga ay hindi pa masyadong hinog nag saging(tsk,tsk... nakakahabag di ba?)

Kinumbinsi ni Kara David ang mga magulang ng mga bata na dalahin sila sa ospital, pumayag ang mga magulang at muli silang naglakad, inabot pa nga sila ng ulan sa daan, napakaputik na ng daan kaya naman bumigay na ang sapatos ni Kara.(akalain mo yon, siguro kahit anong tibay at gara ng tatak ng sapatos hindi o-obra sa putikang daan 'yon. Ganun kahirap.) At habang naglalakad sila si John Lloyd ay nagtatae pa, iniisip nila na baka madehydrate ang bata at hindi na umabot pa sa ospital. At nang makarating sila sa ospital laking pagkadismaya nina Kara dahil wala pa ang nag-iisang Doktor sa bayan nila, may pinuntahan daw na seminar, dahil narin sa gusto nilang magamot na ang mga bata pumunta sila sa kabilang bayan at doon nga ay naasikaso sila, si Wendy ay nabigyan ng gamot, subalit si John Lloyd ay pinapaiwan para magamot ng mabuti, noong una pa nga ay ayaw pumayag ng ama ni John Lloyd sapagkat wala daw siyang dalang pera, pero ang sabi ng doktor pag umuwi sila maaaring mamatay si John Lloyd sa daan pa lang, kay sinabi na ni Kara na sagot na nila ang sa ospital magamot lang si John Lloyd, (humanga talaga ako sa kapuso dahil sa kanilang kabutihan ng puso, talagang kapuso sila, oo, puro puso. haha-)

At yon nga... Sana ay mag patuloy sa paggaling sina John Lloyd at Wendy.
At muli ako ay namulat sa aking mga nasaksihan...

Teka, isa pang banat.

Bakit ganoon, ilan na lang ba ang doktor sa Pilipinas? Mag dodoktor ka kasi gusto mong pumuntang ibang bansa, mag dodoktor ka kasi malaki ang sweldo, sa mga pang pribado mo pa mas gustong mag gamot, sa pampubliko dahil maraming benipisyo, pero bakit hindi ba nyo maisip na dati noong bata pa kayo na pag tinanong kayo kung ano ang gusto nyo pag laki nyo, diba ang isasagot mo, "Gusto kong maging doktor para makapanggamot ng mga may sakit." Pero bakit nasan kayong mga doktor kayo? Sana maisip nyo na ang daming na ngangailanagn sa inyo dito sa Pilipinas. Sariling sugat muna ang gamutin.



KUDAH

MASARAP ang BATA

Simpleng Bagay Ginagawang Komplikado
KABATAAN KASAMA KA BA DITO? LOLS


tama, tama may tama ang utak ko. tulad na lang nitong pag-popost ko pwede namang simpleng text lang gamitin ko, bakit kelangan ko pang gawing iba't ibang kulay? di ba parang aning lang,

Hayst, mga kabataan nga naman, bakit masgugustuhin nilang palaboy, mas gusto nilang magtrabaho, bakit gusto nilang madaliin ang bawat oras? di ba nila alam na mas masarap ang bata? i mean ang enjoyin ang pagkabata.


kung san san na naman lumiliko utak ko,, siguro kaya walang nag-babasa ng blog ko kasi walang kwenta, tama nga naman sila, haha- kelangan ko pang lagyan ng mga emoticons para magkadating, kaso parang OA na an dami ng bilog na kulay dilaw. yaan ko na lang.

Sige balik na ako sa kabataan 'yon nga ang daming kabataan ngayon na gustong madaliin ang lahat tulad na lang ng mga kakilala ko.

Sabi nila independent na daw sila kaya na nilang mabuhay sa sariling mga paa nila, nagrerebelde pa nga sila sa mga magulang nila,e. tigil sa pag-aaral, tambay, inum dyan inum don, tas yosi, barkada, ang aangas pa nga, pero mababait naman. siguro para sa kanila ang ganong gawain ang ibig sabihin ng "independent", pero pag nawalan sila ng pera san sila lumalapit? ang iba gumagawa ng paraan upang mag kapera, pero ang ilan sa magulang parin ang lapit, sinubukan ko na ring maging "independent" angas ko, may trabaho,e. pero naisip ko lang san ba ako humingi ng pamasahe, pangkain, pang kuha ng mga requirements? lahat ng yon galing sa mga magulang ko, naisip ko lang kasi non, nung bata pa ako na magrebelde-rebeldihan. ang bwakanangni, kagaguhan talaga ng mga isip bata, ngayon ko lang naisip kong gano kakitid ang utak ng mga 17 yrs old, na ang dami nga palang napapariwara sa ganyang edad. Kelangan talaga ng mga kabataang may edad 17 pataas o maging pababa ang gabay ng mga magulang, pag-unawa at suporta para hindi mapariwara ang mga anak. Ang dami kong alam, yeah!! haha-


Sa dako pa roon, e malayo na diba? hihiburr-
Sa isang banda,e talagang mahirap ang gawain ng mga magulang. Kaw ba namang naghirap ipanganak yang impaktong anak mo tapos magiging suwail pa, tulad na lang ng inyong abang lingkod, ibinigay na lahat gusto pang lahatin, haha- inalagaan mo ng bongga tapos pag lumaki duduraan ka pa. Tapos sa ano mang kapabayaan ng mga kabataan sa magulang pa ang sisi, aba aba aba, ika'y mag isip at ng iyong malaman, hindi lahat ng kakulangan ay ginusto ng iyong mga magulang.

Binigyan ka ng baon, P20.00, san ka pumunta? sa comp. shop at nagDOTA.

Binigyan ka ng pangtuition, tiwalang-tiwala ang ina mo na makakagraduate ka pero san mo ginagastos ang mga perang pangtuition mo? nagmomotmot ka, paemba-emba, kala mo sosyal, gala dyan, bora-bora, la na ngang datung, mga tipikal na sosyalera wala namang pera.


Magulang mo ba ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho?
ang sumbat mo sa kanila, hindi ka nila nagabayan masinuna nila ang mag-payaman, naisip mo ba na ginusto ba nilang iwan ka at lumaki kang hindi mo sila kasama? hindi nila ginusto yon, ang gusto nila mabigyan ka ng magandang buhay 'yong tipong laking aircon na matatawag. paemo-emo ka pang nalalaman na " mom, i love you, i hope you love me, too, always remember that money can't keep us together, its love." wasak napanood ko sa wowowee.

Isa ka bang urban poor? At feeling mo pagpomorma ka di mahahalata na urban poor ka? haha- madaming ganyan sa earth, pero ang lupit mo,tol. sasabihin mo sa magulang mo "tay, nay, di muna ako mag-aaral ngayong pasukan, trabaho muna ako para makaipon."
nagtrabaho ka, nakaipon pero ibinili mo ng mga luho mo para hindi ka mag-mukhang urban poor, mga gamit mo'y hindi sa cartimar nanggaling kundi sa sm, sale kasi nakamura ka pa, pero ang nanay at tatay mo'y gusto ka nang makitang nag-aaral pero dahil gaga ka, trabaho inuna mo, ma-endo ka man apply ulet, nakailang taon kanang nagtatrabaho, hanggang sa di mo na nalayan matanda kana at ang mga kasabayan mo sa pinagaaplyan mo ay mga bata na, nalaos ka, matanda kana kasi at ganon parin buhay mo, bigla mo naisip sana pala nag aral ka para nakasabay ka sa henerasyon mo. Pero nga dahil gaga ka wala na tumakbo na ang oras at naiwan ka na.

Madame pang katangian ng mga kabataan itong aking mga pinaggagawa ay base lamang sa aking nakita, tsk, tsk, at karanasan.

Sana may kwenta pero wala parin. Haha-


KUDAH

Thursday, March 19, 2009

ang bunga ng traffic


Sina Tropa Sa Gitna ng Avenida

Dami kong pagod kanina, pumunta akong divisoria para sa pakpak ng paru-paro.
Pinapabili sa akin ng tiya ko para kay Alexa, ka-miss na ang batang ‘yon.
Hindi na ganon kadame ang tao sa divi pero dahil sa sobrang init, talagang nakakainis,
Tapos hindi ko pa makita yong hinahanap kong bilihan ng pakpak ng paru-paro kaya yon sobrang inis ko. Pero ayos na rin an dami kong nakita iba’t ibang bagay, sa mga taong nandon hindi mo alam kung sino ang may masamang loob o mga normal na mamimili lang. Ang saya sana kung may pera akoang dami kong mabibiling gamit, pero dahil sa wala akong pera, sakto lang at saka limitado ang oras ko, kailangan ko pang umuwi ng maaga para maka-review. Ayon habang pauwi na ako ang traffic!!!!!! Grabe!! Dahil sa ginagawang kalsada sinabayan pa ng mga matitigas ang ulong mga nagbi-benta ng kung anong anik-anik, kaya yon. At dahil mag-gagabi na non, kya kahit san ka lumingon ang dami mong makikitang mga ngtutulak ng kariton, mga binibenta nila ang laman. Nasa isip ko, masisipag sana ang pinoy, boloks lang, pano ba naman kaya naman nilang magbenta ng may pwesto pero mas pinili nilang mag-benta sa tabi-tabi. Hayst, ang buhay ng pinoy, madaming hinaing…


Pero bakit sila parang mukhang kontento…
Ang mga tropang taong grasa sa gitna ng Avenida, mga babaeng hindi natin alam ang pinag daanan pero maaari nating hulaan.
Magkahawak sila ng kamay habang nasa gitna ng kalsada, mga babaing punit-punit ang damit, ang buhok ay nakatali ng kung anong plastic na halatang sobrang lagkit na dahil sa pawis at alikabok ng avenida. Naka-back pack ang isa at sinisigawan ang kanyang kaibigan, inaakit sa gitna ng kalsada hindi man lang alintana ang mga sasakyang nagdadaan at ang mga taong naglalakad sa paligid, para silang may sariling mundo. Naisip ko nga na ang katawan nila ay maaaring gumagalaw pero ang isipan nila ay naglalakbay sa kung saan. Hihi- medyo walang ng sense.


Sa dako paroon, mag mag-tropa namang dalwang batang lalake, siguro nasa 13 anyos pa lang may dala-dala silang tig-isang malaking sako, at ang laman ay mga basurang maaari pang pakinabangan, naisip ko na lang, ano kaya mga pangarap nila? Pag-kaya nakakakita sila ng mga taong normal ang pamumuhay hindi kaya sila nakakaramdam ng inggit? What a nonsense question. Natural nakakaramdam sila ng inggit, pero dahil sa kahirapan ng buhay hindi na lang nla kyang umahon sa pagkakalugmok sa kahirapan. Pero bakit merong iba na nakakaahon at yumayaman, aa, ewan maaaring kanya-kanyang diskarte lang yan.

Siguro kasalanan na rin nila kung bakit sila nasa kalagayang yon, dahil, ano ba ang ginawa nila nong panahong nasa katinuan pa sila bakit nila hinayaang maging ganun ang kanilang kinabukasan at ang ngayong kasalukuyan. Tsk, tsk, tsk.

Sa recto, may nakita ako, isang taong grasa nakaupo sa isang sulok at may dalang baso ng 7/11 at nakasahod sa mga dumaraan at may isang tao na may dalang plastic bag, nag-lalakad, may nakita syang itinapon na mga dyaryo, nilapitan nya ang mga ito at hindi inalintana ang mga basurang katabi nito, pinulot nya ang mga ito at inilagay sa supot na dala nya. Sa dalwa na lang, alam mo na kung sino ang may tyaga at may pag-mamahal sa sarili at sa pamilya. Maaaring magkano lang ang mapipera nya sa mga dyaryo pero sapat na yon upang maidag-dag sa kanilang panganga ilangan. Hayst.. paulit-ulit na lang.

End ko na tong walang kwenta kong kwento.

Wednesday, March 18, 2009


Galit ako, hindi Joke lang, hihi-

Ito na naman ako, mag-popost la namang nag-babasa, ako lang.
Malay ko ba baka madeds na ako maya,e di ayos may mababasa
Kayong walang kwenta. Haha-

Kanina habang nag-lalakad ako pauwi galling school naisip ko,
Bakit may mga anak na nagagawang lokohin ang mga magulang?
Bakit may mga anak na labis ang pagka-muhi sa kanilang ama’t ina?
Bakit may mga nagrerebelde?
Naranasan ko din yan, noon, pero ngayon tinatawanan ko na lang yan,
Masyadong pangbata ang mga reberebeldeng yan, jologs na,
Para sakin hanggat hindi nararamdaman ng isang tao ang kahirapan sa buhay
Hindi sila lalaki, ibig kong sabihin, hindi lalawak ang pang-unawa nila sa buhay.


Dati, pa-astig-astig ako,
“Hate your parents!”
“Lie to them!”
“Rebelde, Astig!”
yan dati ang mga nasa utak ko, kulang na lang bumarkada ako sa mga walang direksyon
ang buhay, pero naisip ko, mas astig kong rebelde ako pero hindi ako pariwara, (bata talaga…) sinubukan ko ang alak at yosi, alak, okay, yosi, no-no… pinatunayan ko sa kanila na kahit muka akong gago hindi parin ako pariwara. Ginamit ko utak ko. Pero isip bata parin ako, tumigil ako ng pag-aaral, nag-trabaho. At don na namulat ang dati kong isip batang isipan,

ngayon tinatawanan ko na lang ang mga rebeldeng bata. Haha- pinagdaanan ko din yan,
at himanga ako sa mga magulang ko. Napakaswerte ko nga,e. napahiya ako sa sarili ko, at patuloy akong nangingiti pag-nakakarinig ako ng mga kabataan sinusumpa ang sariling mga magulang, ang nasa isip ko, (Mahal ako ng mga magulang ko).


Akong mula pagka-bata ay naranasang masaktan ng mga magulang ko, kung noon, minsama ko ang mga palo at kurot na natanggap ko sa kanila ngayon, tinatawanan ko na lang. Isang batang matigas ang ulo, hindi nag-aaral ng mabuti, kulang pa ang mga natanggap ko. Lumaki akong tinaguriang suwail sa pamilya, black sheep ba, pero napaka palad ko dahil hindi marunong mag-mura ang mga magulang ko. Isang beses ko lang marinig magmura ang tatay ko at yon ay sa kalapastanganan ko, hindi ako nasaktan sa sampal nya, kundi nagulat ako sa mura ng tatay ko, at tuwing naaalala ko yon, nahihiya ako, kasi napakasagad kong magmura, pero hindi naman kami pinalaki ng magulang naming sa ganon.

Haha- minsan naiisip ko na independent nga ba ako.
Hindi,e. kasi kahit anong gawin ko, sisigaw parin ako ng “Tatay! Nanay!”
Kanina habang nagluluto ako.
Oo, madame akong alam gawin;
Mag-luto, mag-laba, mag-tubero, mag-linis ng bahay, mag-pakain ng manok, baboy at iba pa, magtanim sa bukid, at marami pa. pero lahat ng yon itinuro sakin ng mga magulang ko pati ng mga lola’t lolo ko, kahit kelan hindi ko kayang higitan ang mga naituro nila sa akin.

Madaming bagay na ang aking pinagsisihan, pero kahit kalian hindi ko ninais na ulitin at itama ang mga pagkakamaling yon, dahil na rin sa mga nagawa kong pagkakamali natoto ako.

Inaantok na ako, meme na ako. Post ko lang ‘to.

Teka hanap pa pla ako ng magandang picture sa google.
Ano kaya?

<----------------------------------->


Tuesday, March 17, 2009

pinag-isipan


Ayoko Mang Isipin Subalit Naisip Ko Na

isang gabi, umaga na rin pala, 2:09am na sa alarm clock ko
tapos sa cp q 2:16am ewan ko kung sino nag-sasabi ng totoo,
pero ang alam ko lang hindi ako dapat magpopost sa blog,ee.
dapat ginagawa ko assignments ko, di ko lang ma-gets kung
bakit ito ang pinagkakaabalahan ko.

buntis nga pala ate ko, haha-
ang galing-galing. Magkakapamangkin na ako sa kapatid.
Lagi akong inuutusan ng ate ko,
pero malambing sya sakin, don sa isa kong ate minsan naiinis,
pero di bali na masaya parin,
katawa nga sina ama't ina,e. Pinapagalitan pa
akong h'wag daw aawayin ang ate ko at baka kung mapano si baby,
excited na silang magka-apo, napag-usapan na din ang kasal. sa Feb.13,2010.
Ayaw kong umabay, pabonggahan na naman yon at ayoko ng ganon.


ano kaya magiging hitsura ng pamangkin ko?

ang dami ko pang dapat ginagawa,e. bakit ba ito pa ang ginawa ko.
inaantok na ako.
teka inum muna ako ng tubig.
nauuhaw ako,e.
______________________________________Gok gok gok..

Np. tumatakbo
a. mojofly

ano ba namang kanta yan,
parang kelan lang, yan ang kanta ko sa sarili ko,
kaso, putik, kasawa palang magka-jowa.
sa awa ng kapalaran, nakadalwa na akong syota, at puta,
ang masasabi ko lang,"eeww...ayoko na."
hindi ako obit pero di ako naging masaya,ee.
parang testing lang ba.


pero syempre kainggit parin 'yong tipong may umaalalay sayo, pero na try ko na yon at
sa totoo lang, gusto ko ng itulak ang kaholding hands ko. haha-
gustong- gusto ko ng tanggalin ang kamay ko, ang sagwa ng pakiramdam.
hindi ko ugaling mag-ILOVEYOU kasi kasinungalinan lang yon.

teka_________
Np. Call it love a. cinderella

ayan... haha- hindi ako in love, la nga ako non,e.
meron namang mga nanliligaw, kaya lang,
sa totoo lang, ayoko sila bilang syota, gusto ko sila
bilang tropa. tama ng sigurong na try kong magka-syota
tsaka na lang ulet. hihi-

la kwenta BREWRATS kanina.

wala na ata akong mai-type, pero teka--
2:29am na sa alarm clock ko. hayst..
pati mga mata ko pumipiki na ng kusa.
sige i-post ko na to.

___________Np. ikaw ang idol ko a. cinderella

solb na solb ako sa porma mo. ikaw ang idol ko..

Thursday, March 12, 2009

Nonsense



Aba, ginganahan ata akong mag-post sa blog,aa.
Akalain ko 'yon?

Ano 'yon?
Wow, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot.
Siguro masaya, matutuwa ako.
Kaya lang oras na ba?
Kaya pala.
Haha- dame ko tuwa,
Dame ko ring takot.
Hindi na sa "ouch".
Iba naman 'to.
Katatapos ko lang i-post 'yong isa, meron na naman.
Haha- lupet!

Mag-iisip ako.
Madaming madaming isipin.
Alam kong hindi mag-kakapabayaan,
Pero dami kong takot.
Takot na baka mawala na ang tuwa ko.
Magulo,oo, kahit ako naguguluhan.
Basta kahit ano na lang ang ma-pindot ng mga daliri ko,
Hindi na ako nag-iisip.
Ayaw ko na mag-isip.
Sana maintindihan parin ang aking mga pinipindot.
Madame akong gustong sabihin pero hindi ako handang
Idetalye ang bawat kwento.
May tugtog, hindi ko kilala ang artist,
Hindi ko rin alam ang pamagat.
Ano ba itong nangyayari sakin?
Bakit parang natabunan ang kaninang sakit sa kung saan,
Biglang napalitan ng mga-isipin.
Madaming isipin.

Tsk,tsk,tsk.
Ang tagal mag-alas nine y thirty,
Gusto ko ng makinig ng BREWRATS,
It's positive.
Haha-
Kaloka,
He is gay.
Biglang pumasok sa isip ko ang bakla kong ka-klase.
Bakla nga sya,
Buti pa s'ya may boyfriend,
Boyfriend,
Hay, tama 'wag na muna mag-boyfriend,
Hindi pa panahon.
Madaming panahon,
Pagkakataon.
H'wag muna ngayon.
Puta(o, bad word)
Ayos lang yan.


Kanina bago ko simulan 'to iba ang balak kong i-type,
Pero ng bumalik ako sa upuan, na iba na takbo ng mga daliri ko,
May project pa pala ako sa PROG1,
May assignment pa pala ako sa ENLISH,
Friday pala bukas, Thursday ngayon,
Katatapos lang ng report namin kanina,
Ayos naman.
Ayaw ko nag i-edit to. di ko an babasahin ulit, i-popost ko na lang kagad.
Hays, san ako patutungo.
Muli ko na namang naitanong sa sarili ko,
Madami akong plano,
Mag katotoo kaya,
Madami kaming plano, mangyayari kaya?
Hays, nakailang hay na ako.
Pero kulang parin.
Sagad sagad mga isipin ko.

Ay, teka wala pa pala akong labang blouse para bukas.
Teka maya na 'yon.
Sa Saturday pala may G.E.B. kami.
DM at FU.
GM kaya ako?
Hindi ayoko,
Gusto kong maging payapa kahit sandali.
Ang putang sounds ko nakakaiyak.
Ay, naku, manganganak na pala si patring,
Lalabas na sa earth si adam,
Ilang buwan pa at may panibago na naman.
Ang haba na nito, sige post ko na pagod na rin ako.
Teka, mas pagod si Francis M. kaya yon namahinga na sya.
Di pa pala ako pagod, sawa na lang.
Haha-

Oy, may dalwang mensaheng natanggap,
Mula kanino?
GM na naman,
Hindi na s'ya nag-paramdam,
Okay lang, panira lang ng buhay 'yon.
Haha-

Bukas pala Friday the 13th, waahh..
"Lord God, patnubayan po n'yo kame, ang mga lola't lolo ko,
mga magulang ko, mga tiya't tiyo ko, mga pinsan, kapati, pamangkin kaibigan
at lahat pa po ng mga taong nangangailangan ng inyong gabay."

Haha- natatawa na naiiyak ako, reflection sounds ko, naalala ko
Noong medyo bata pa ako, wala lang. ayaw ko na.
Ayaw ko na?
Sana ganon lang kadaling umayaw sa lahat nga bagay.
May mag babasa kaya nitong blog ko?
Malamang wala, wala kasing kwenta,ee.

STOP!!!!!!!!!

ouch


"May Masakit(OUCH)"

Hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko.
Pakiramdam ko may kulang hindi ko lang alam kung ano.
Gusto kong maging masaya pero pano ko mararamdaman 'yon?
Parang ang hirap…

Bakit mahirap mag-isa?
Bakit mahirap pag may kasama?
Natatakot ako na hindi ko alam.


Masakit na ang aking mga mata dahil sa pinipigil kong luha.
Luha para saan?
Ang sakit sa dibdib,
Ang sakit sa sikmura,
Ang hirap huminga.
Ano ‘tong nararamdaman ko?

Masakit.
Mahirap.
Nahihirapan na ako.
Saan?
Hindi ko alam.

Masayang awitin.
Masayang usapan.
Maraming Gawain.
Pinipilit kong maging abala,
Pinipilit kong maging masaya,
Subalit bakit nananatili parin ang kahungkagan
Na aking nadadama?

Mananatili na lang ba akong takot?
Mananatili na lang ba akong blangko?
Saan ba ako natatakot?
Bakit hindi ko malabanan ang takot na ‘to?
Dahil ba kahit anong gawin ko,
e hindi ako mananalo sa bagay na ‘yon?

Laro, pinili kong malaro,
Pinili kong sumabay sa agos ng panahon,
Ngunit kahit anong gawin ko kulang parin.
Hindi man ako talo subalit
Hindi ko rin maramdamang panalo ako.

Tama na muna…
Iyak lang ang katapat nito.
Pag nawala na ang bara sa aking lalamunan,
Magiging panatag na ulit ako,
Babalik din ako sa normal.
Sana…