Friday, March 27, 2009

MASAKIT PARIN SA PUSO (ouch)
i-witness "Ambulansiya de Paa"


Naaalala ko parin ang na panood ko sa i-witness tsk, doon ko naramdaman ang awang biglang humaplos sa mala bulak kong puso (haha- talaga namang... bakit di ko kayang magseryoso?)Ayon hinga muna ako ng malalim..

Ang pamagat ng napanood kong 'yon sa i-witness ay "Ambulansiya de Paa" pinapakita doon kung gaano kahirap pag nagkasakit ang mga residente sa lugar na iyon, sa Bansud, Oriental Mindoro. Nakilala ni Kara David doon si Lowen Tayo isang lalake na may karamdaman, kung susuriin napaka simpleng sakit lang na lumala dahil sa kakulangan sa kaalamn ang sakit ni Lowen ang tuberculosis, sa panahon ngayon hindi na matatawag na malubhang karamdaman nag TB, basta maagapan lang ng gamot, pero sa kalagayan ng Bansud, ang sakit ni Lowen na iyon ay malubha at nakakahawa, ibinukod na si Lowen ng tirahan dahil sa takot na mahawaan ng TB ang mga tao. (sinaunag sinauna talagang paniniwala, tsk...) Ako'y nakaramdam ng awa hindi lamang kay Lowen kundi maging sa lahat ng mga nakatira sa Bansud, ang karneng matatawag nila ay daga, pinapakain nila ng saging ang mga daga para may makain din silang karne (hanep!!! napapalumod pa ako habang pinapanood kong tinatadtad ang karne ng daga... yuck, sobra!!!) Pero masisisi ba natin sila sa pagkain ng mga kanoong klaseng pagkain, e napakalayo nila sa kabihasnan.

Ipagpapatuloy ko ang kwento, nang malaman ni Kara David ang kalagayan ni Lowen pinilit nya ang mga tao na i-pasuri si Lowen sa doctor subalit napaka layo ng ospital mula sa kinaruroonan nila, mga apat na oras daw ang lalakarin nila kung mabagal at kung suswertehin namang maaabutan ang track sa may ilog ay maaari silang makisakay papunta sa bayan. Sa napakaputik na daan tulong-tulong nilang inusung si Lowen sa pamamagitan ng pagsakay kay Lowen sa duyan, hindi biro ang maglakad sa maputik, madulas at mabundok na lugar lalo na at kung may usung-usung na talo, swerte naman at naabutan nila ang track kaya nakasakay sila papuntang bayan. Naabutan nila ang doktor at nabigyan si Lowen ng gamot, pero hindi pa doon natatapos ang gamutan ni Lowen muli pa syang babalik at ganoon parin ang sistema. (sana lang ay hindi mapagod ang mga taong tumulong sa kanya at matulungan pa sya sa pagpapagamot...)

Hindi pa natatapos ang kwento kay Lowen. Nakilala rin ni Kara David sina John Lloyd at Wendy (Hindi sila artista, haha- kapangalan lang, mga kapamilya ata tao don sa Bansud, nayahaha-)'Yon nga si John Lloyd ay may broncho-pneumonia at hernia, samantalang si Wendy, nalapnos ang balat matapos mabanlian ng kumukulong sabaw.
Si Wendy ay nabigayan na nang gamot subalit dahil nga sa layo ng bayan malapit ng maubos ang gamot nya ay hindi parin sya naibibili ng gamot, samantalang ang nakakalungkot nang sobra ay ang kalagayan ni John Lloyd, ang payat-payat ni John Lloyd buto't balat na ngang matatawag,isang taon na sya ngunit kung titingnan ay tila isang sanggol pa lamang, ang nakakalungkot pa, hindi pa pala nakakatikim nang gatas si John Lloyd, dahil namatay ang kanyang ina pagkapanganak sa kanya, ang nagsisilbing gatas nya ay am at ang tanging kinakain nya at ng pamilaya nya ay saging
minsan nga ay hindi pa masyadong hinog nag saging(tsk,tsk... nakakahabag di ba?)

Kinumbinsi ni Kara David ang mga magulang ng mga bata na dalahin sila sa ospital, pumayag ang mga magulang at muli silang naglakad, inabot pa nga sila ng ulan sa daan, napakaputik na ng daan kaya naman bumigay na ang sapatos ni Kara.(akalain mo yon, siguro kahit anong tibay at gara ng tatak ng sapatos hindi o-obra sa putikang daan 'yon. Ganun kahirap.) At habang naglalakad sila si John Lloyd ay nagtatae pa, iniisip nila na baka madehydrate ang bata at hindi na umabot pa sa ospital. At nang makarating sila sa ospital laking pagkadismaya nina Kara dahil wala pa ang nag-iisang Doktor sa bayan nila, may pinuntahan daw na seminar, dahil narin sa gusto nilang magamot na ang mga bata pumunta sila sa kabilang bayan at doon nga ay naasikaso sila, si Wendy ay nabigyan ng gamot, subalit si John Lloyd ay pinapaiwan para magamot ng mabuti, noong una pa nga ay ayaw pumayag ng ama ni John Lloyd sapagkat wala daw siyang dalang pera, pero ang sabi ng doktor pag umuwi sila maaaring mamatay si John Lloyd sa daan pa lang, kay sinabi na ni Kara na sagot na nila ang sa ospital magamot lang si John Lloyd, (humanga talaga ako sa kapuso dahil sa kanilang kabutihan ng puso, talagang kapuso sila, oo, puro puso. haha-)

At yon nga... Sana ay mag patuloy sa paggaling sina John Lloyd at Wendy.
At muli ako ay namulat sa aking mga nasaksihan...

Teka, isa pang banat.

Bakit ganoon, ilan na lang ba ang doktor sa Pilipinas? Mag dodoktor ka kasi gusto mong pumuntang ibang bansa, mag dodoktor ka kasi malaki ang sweldo, sa mga pang pribado mo pa mas gustong mag gamot, sa pampubliko dahil maraming benipisyo, pero bakit hindi ba nyo maisip na dati noong bata pa kayo na pag tinanong kayo kung ano ang gusto nyo pag laki nyo, diba ang isasagot mo, "Gusto kong maging doktor para makapanggamot ng mga may sakit." Pero bakit nasan kayong mga doktor kayo? Sana maisip nyo na ang daming na ngangailanagn sa inyo dito sa Pilipinas. Sariling sugat muna ang gamutin.



KUDAH

1 comment:

atg said...

thanks for narrating the story here. i just finished the trailer of this film and i can't find the continuation. good thing you have a photographic mind. =)